Nakatagpo ng bagong pag-ibig ang gamer at cosplayer na si Alodia Gosiengfiao.
Read: Alodia Gosiengfiao breakup meme triggers hilarious reactions
Inanunsiyo ni Alodia ang kanyang blooming love life nang ibahagi niya ang litrato nila ng isang non-showbiz guy at entrepreneur na nagngangalang Christopher Quimbo.
Kuha iyon sa isang cave sa El Nido, Palawan.
Sa pamamagitan ng hand gesture ay bumuo pa sila ng korteng puso para sa kanilang couple picture.
Ipinost iyon ni Alodia sa kanyang Instagram at Facebook ngayong Sabado, April 23, 2022.
Ang caption niya ay isang eternity symbol na emoji.

Bukod dito ay ipinakita ni Alodia ang video nila ni Christopher na nagka-kayak sa isang lagoon sa El Nido.
Halatang masaya si Alodia na tumatawa habang kinukunan si Christopher na nagsasagwan.

Proud ding ipinakita ni Alodia na marunong tumugtog ng piano si Christopher.
Habang nagpi-piano ay kinantahan pa siya nito ng "Close To You" ng DayGlow.
Halatang kilig na kilig si Alodia habang kinukunan ang nobyo, base sa video na ipinost niya sa Facebook at sa Instagram Stories.

Hindi man tahasang tinukoy na nobyo niya si Christopher, maituturing na Instagram official ang dalawa dahil sa pagsapubliko ni Alodia ng kanilang couple picture.
Sa comments section, nagpaabot ang followers ni Alodia na masaya silang makitang in love siya uli.
ALODIA'S BREAKUP WITH WIL
Hindi kaila sa publiko ang hiwalayan ni Alodia at longtime boyfriend niyang si Wil Dasovich noong November 2021.
Sinabi noon ni Alodia na sinubukan nila ni Wil na isalba ang kanilang relasyon, pero hindi raw talaga sila meant to be.
Noong panahong iyon ay nagpaplano pa silang magpatayo ng bahay.
Read: Wil Dasovich, Alodia Gosiengfiao react to cancelled dream house after their breakup
Pareho namang tikom ang bibig nina Alodia at Wil sa dahilan ng kanilang breakup.
Read: Wil Dasovich posts cryptic message about "moving forward" amid breakup with Alodia Gosiengfiao
Apat na taong magkarelasyon ang dalawa.
Nakilala ang tambalan nilang WiLodia dahil sa collabs nila sa kanilang vlogs. Si Wil ay vlogger at dating Pinoy Big Brother housemate.
