StarStruck 7 winner Shayne Sava introduced as "GMA Afternoon Prime Drama Princess"

Shayne Sava gets her biggest break in Raising Mamay.
by Rose Garcia
Apr 24, 2022
shayna sava raising mamay
Shayne Sava on working with Ai-Ai delas Alas: “Siyempre, lumaki po ako na siya po ang pinapanood ko. Tanging Ina, yung mga movies niya, yung mga serye niya. Before po kasi, nakikita ko lang siya sa TV, 'tapos ngayon kasama ko na siya, nayayakap ko na siya, nakakausap ko na siya. So, very honored sa akin yun na makasama ko si Mamay [Ai-Ai]. Makaeksena ko po siya at maging mamay ko po siya."
PHOTO/S: @shaynesava on Instagram

"GMA Afternoon Prime Drama Princess" ang pakilala kay Shayne Sava sa ginanap na online mediacon ng Raising Mamay noong nakaraang linggo.

Ibig sabihin, binigyan na siya ng title ng kanyang home network. Hindi na lang siya StarStruck 7 Ultimate Female Survivor, kinikilala na rin siya ngayon bilang isa sa mga prinsesa ng GMA Network.

Ano ang reaksiyon dito ni Shayne?

“Actually, noong marinig ko po yun kanina, hindi po ako makapaniwala. Sabi ko, ‘Totoo ba yung naririnig ko?'” masayang pahayag ni Shayne sa sorpresa raw na ibinigay sa kanya.

Sabi pa niya, “Sa ngayon po, sobra lang po akong happy and proud po sa lahat ng mga pinagpaguran po namin na mga crew, mga staff, mga directors, cast po and prod.

“Sobra pong parang sasabog ang puso ko sa saya.

“Ngayon ko lang po siya nalaman kaya sobrang kinikilig po ako ngayon.”

Malaking break para kay Shayne ang bago niyang teleserye, ang Raising Mamay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya naman ganoon na lang ang pasasalamat ni Shayne sa network lalo pa't napaka-challenging ng karakter niya bilang anak na siyang mag-aalaga sa kanyang ina, na ginagampanan ni Ai-Ai delas Alas, na ang pag-iisip ay katulad ng pitong taong gulang na bata.

“Actually, sobra po talaga akong blessed and grateful po na sa akin po napunta ang role ni Abigail Sandejas,” nakangiting pahayag ni Shayne.

“Kasi, sobrang ganda po ng story at sobrang ganda po ng role niya. At nagpapasalamat po talaga ako sa GMA po kasi binigyan po nila ako ng opportunity and ng trust po and naniniwala po sila sa kakayahan ko.

"Always grateful and blessed po."

Silang dalawa ng Comedy Queen ang mga bida sa bagong GMA Afternoon Prime na magsisimulang mapanood sa Lunes, April 25, 2022.

Hindi nga raw makapaniwala si Shayne na ang dating napapanood lang niya sa mga pelikula nito ay nanay na niya ngayon sa teleserye.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sobrang saya po,” sambit niya.

“Siyempre, lumaki po ako na siya po ang pinapanood ko. Tanging Ina, yung mga movies niya, yung mga serye niya.

“Before po kasi, nakikita ko lang siya sa TV, 'tapos ngayon kasama ko na siya, nayayakap ko na siya, nakakausap ko na siya.

"So, very honored sa akin yun na makasama ko si Mamay [Ai-Ai]. Makaeksena ko po siya at maging mamay ko po siya.

“And sobrang saya po kasi, si Mamay po, isa po siya sa sobrang nakakatulong sa akin dito po sa Raising Mamay. Laking pasasalamat ko po talaga kay Mamay.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shayne Sava on working with Ai-Ai delas Alas: “Siyempre, lumaki po ako na siya po ang pinapanood ko. Tanging Ina, yung mga movies niya, yung mga serye niya. Before po kasi, nakikita ko lang siya sa TV, 'tapos ngayon kasama ko na siya, nayayakap ko na siya, nakakausap ko na siya. So, very honored sa akin yun na makasama ko si Mamay [Ai-Ai]. Makaeksena ko po siya at maging mamay ko po siya."
PHOTO/S: @shaynesava on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results