PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Neil Coleta sells and delivers bangus at the peak of pandemic

Neil Coleta: "Wala na ngang pumapasok na pera sa iyo, made-depress ka pa?"
by Melba R. Llanera
Published Apr 25, 2022
Neil Coleta, selling bangus, COVID-19 pandemic
Actor Neil Coleta on finding other means of income during the first wave of the pandemic: "Walang arti-artista ngayon, e. Lahat tayo pantay-pantay that time. Naisip ko, paubos na ang kapital ko, e, yung inipon ko. Sabi ko sa sarili ko, 'Mag-business ako na di kailangang ikahiya.'"
PHOTO/S: Neil Coleta Instagram / Facebook

Isa si Neil Coleta sa mga artistang dumiskarte at nag-iba ng linya ng trabaho noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic at wala siyang proyekto bilang artista.

Ang trabahong ito ay hindi lang daw tumulong na maitawid ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya, pero pati sa pagpapanatiling kalmado ng kanyang mental health.

Ito ang pagtatapat ni Neil nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 6th invitation celebrity badminton tournament ng Philippine Movie Press Club, na ginanap sa Powerplay Badminton Center, noong April 8, 2022.

Ayon sa aktor, "Nagtinda ako ng bangus, kumuha ako sa Dagupan.

"Ayokong matapos ang buhay ko na malungkot, toxic na nga, papa-toxic-in mo pa ang sarili mo.

"Wala na ngang pumapasok na pera sa iyo, made-depress ka pa?"

Na-enjoy raw niya ang pagbabanat ng buto, at hindi ininda ang iisipin ng ibang tao.

"Walang arti-artista ngayon, e. Lahat tayo pantay-pantay that time. Naisip ko, paubos na ang kapital ko, e, yung inipon ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ko sa sarili ko, 'Mag-business ako na di kailangang ikahiya.'

"Sobrang proud ako, ang daming natuwa sa akin kasi ako mismo ang nagde-deliver. Imagine, nagbebenta ako ng bangus.

"Nagde-deliver ako pag may kumukuha sa Quezon City, minsan nag-aalok ako sa mga bahay. Malaki ang kita."

Neil Coleta

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Humanap pa raw ng ibang pagkakakitaan si Neil.

"Tapos nagtitinda din ako ng milk tea, tiger sugar with ice cream.

"Ang lungkot pag nasa bahay ka lang, walang pasok. At least yun, na-enjoy ko na, kumikita pa ako, tapos nakakapangiti pa ako ng mga tao."

Kuwento pa ni Neil, may mga customer siyang nagulat nang makilala siyang artista.

"Kasi sabi nila, 'Oh my god. Ikaw ang nagde-deliver, artista ka, di ba? Bakit ikaw ang nag-aano?'"

Dito raw napagtanto ni Neil kung gaano kahirap ang buhay ng pagtitinda, lalo't naranasan niya ang mapagtawanan at makutya ng iba.

"Yung iba ang iniisip, 'Wala ka na bang pera?' Hindi, hindi sa ganun yun.

"Marami naman, pero gusto ko naman enjoy-in, something new naman. Gusto ko ring ma-experience yung buhay ng ibang tao.

"Ang hirap pala, kasi pag nagtinda ka ng bangus, pagtatawanan ka."

Neil Coleta

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tila natigil na sa pagtitinda si Neil ng bangus sa ngayon.

Pero bukod sa dalawang sinubukang negosyo, nagbukas din si Neil ng isang liquor store.

"Still open pa naman, maganda naman ang progress. Marami din naman ang bumibili, marami din naman ang tumatangkilik," tukoy niya sa kanyang liquor business.

"Nung una Lyka yun, e, malakas ang Lyka," sabi pa ni Neil. Ang tinutukoy niyang Lyka ay ang social media app kunsaan ang naiipong points ay nagagamit bilang mode of payment.

"Saka isa pa, bahay namin dati, so wala kaming renta. Bahay namin yung pinaglagyan namin ng store. Lumang bahay, so wala akong renta.

"Pag walang bumili, okay lang. Kung mayroon, okay lang din."

Neil Coleta

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NEIL COLETA IS NOW A FATHER

Mas inspiradong magtrabaho si Neil ngayon dahil isa na siyang ganap na ama.

Pitong buwan na si Baby Jazmin Chinnei, anak ni Neil sa non-showbiz live-in partner na si Chin Kee.

READ: Neil Coleta, gilfriend Jazmin Chinnei eagerly await their baby girl

Aminado ang aktor na marami ang nabago sa buhay niya nang maging isa siyang ganap na ama.

"Ang sarap, sobra, seven months na siya. Ang daming binago sa buhay ko. Wala na yung gatherings, like tropa, painom-inom, parties.

"Priority ko kasama ko ang baby ko. Pag uuwi ako, excited ako, kasi gusto ko siyang makita. Gusto ko araw-araw na yakapin..."

Proud pang ikinuwento ni Neil na bukod sa nag-beach ay nag-check-in sila sa hotel ng kanyang mag-ina nitong early April.

"Sabi ko nga sa caption ko, 'I'll do everything just to make you happy.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinulit daw niya ang family time bago siya pumasok sa lock-in-taping para sa Darna, ang Kapamilya series na pinagbibidahan ni Jane de Leon na nasa production stage pa.

"After this, super excited ako na umuwi na naman. Parang wala nang moment na kailangan ko pang tumambay, ang dami kong stopover bago ako umuwi.

"Ang dami kong dadaanan, ang dami kong pupuntahan, pero mas gusto ko na umuwi," dagdag ni Neil.

Kinumusta rin namin kay Neil ang relasyon nila ng live-in partner at ina ng anak na si Chin Kee.

"Okay naman, live in kami for one year. Happy, super happy," saad ni Neil sa kanyang relasyon.

Mayroon daw silang planong magpakasal, pero hindi nila minamadali sa ngayon.

"Mayroon [plano], pero medyo mahirap, e. Although Level 1 na [yung community quarantine], hindi naman mahirap ang sitwasyon, pero siyempre once in a lifetime lang yun, kailangang paghandaan. Siya ang ina ng anak ko, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Neil Coleta

ON BASHERS

Nang nauso sa social media ang paghingi ng sorry sa kanilang partner sa pamamagitan ng paggamit ng pera sa bawat letra ng salita, isa sa nakiuso dito si Neil.

Nag-trending ang ginawa ng aktor, pero na-bash din siya ng ibang netizens.

"Actually, naki-trend lang naman ako. Yung pera kasi na yun is for business, nagtayo kasi ako ng liquor shop. Naisipan ko na yun ang mga pera namin, natuwa lang ako, nakisabay lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero may tampuhan din kami nun. Sabi ko, 'Why don't we try lang, ipa-viral lang natin.' Tapos nag-trending naman.

"Yung iba sinasabi, 'Bakit kinakailangan i-post mo pa iyan, ang yabang mo naman.'

"Sa akin, hindi naman sa yabang, sumasabay lang ako sa trend, sumasabay lang ako sa uso, parang ganun.

"Hindi para iyabang, hindi para ipagmalaki, kasi alam naman natin na pag pandemic, ang daming nauubos na pera.

"Ang sa akin naman, it's more of katatawanan lang. Parang huwag niyo naman bigyan ng kahulugan na pangit."

BACK TO ACTING

Napanood sa Widows' Web ng GMA-7 si Neil, pero guest star din siya sa Darna remake ng Kapamilya network.

Read: Neil Coleta joins GMA-7 project after 10 years with ABS-CBN

"Katatapos ko lang ng Widows' Web, attorney ako, sa side nila Edgar Allan Guzman.

"First suspense serye ng GMA, mataas ang ratings, pinapanood ng mga tao. Ang gaganda ng mga feedback.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nakakatuwa kasi first serye ko uli ito sa GMA tapos kasama ko pa sila Direk Jerry Lopez-Sineneng," pagmamalaki ni Neil.

Neil Coleta

Nagpapasalamat si Neil na nakakatawid siya ng dalawang TV networks para sa kanyang acting stints.

"May ginagawa rin ako sa kabila, Darna. Well, thankful, hindi ko pa rin kinakalimutan kung saan ako nanggaling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero kasi kailangan nating magtrabaho, kailangan din natin ng pagkakakitaan.

"Sobrang kailangan ko ng trabaho kasi may binubuhay ako.

"Thankful ako kasi nakakatawid ako ng GMA, ng ABS, at sunud-sunod naman ang trabaho ko," saad ni Neil.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Neil Coleta on finding other means of income during the first wave of the pandemic: "Walang arti-artista ngayon, e. Lahat tayo pantay-pantay that time. Naisip ko, paubos na ang kapital ko, e, yung inipon ko. Sabi ko sa sarili ko, 'Mag-business ako na di kailangang ikahiya.'"
PHOTO/S: Neil Coleta Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results