PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Herlene Budol receives PHP100K donation from Karen Davila

Karen Davila gives her YouTube vlog earnings to Herlene Budol.
by Bernie V. Franco
Published Apr 26, 2022
herlene budol
Herlene Budol on receiving money from Karen Davila: “Ibinigay po nya sa akin yung earnings sa youtube nya nung ininterview nya sa akin nakaraan April 2 sa halagang 100,000 pesos."
PHOTO/S: @herlene_budol on Instagram

Natanggap na ni Herlene Budol ang ipinangakong kita ni Karen Davila mula sa kanilang ginawang YouTube vlog.

Inilabas ni Karen ang vlog interview niya kay Herlene noong April 2, 2022.

Read: Karen Davila to donate YouTube earnings to Herlene Budol

Ipinangako ng TV Patrol anchor na ibibigay niya ang kita ng kanyang vlog kay Herlene, na sinabing may plano itong humanap at magpagawa ng bahay.

Inanunsiyo ni Herlene na PHP100,000 ang iniabot sa kanya ni Karen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inamin ni Herlene na malaking tulong ito sa kanyang pamilya lalo’t limitado ang kanyang trabaho ngayon kasunod ng pagpasok niya sa isang national pageant.

Sabi ni Herlene (published as is), “Ibinigay po nya sa akin yung earnings sa youtube nya nung ininterview nya sa akin nakaraan April 2 sa halagang 100,000 pesos po bago ako nag register ng Binibining Pilipinas na umabot ng 2.2M views.”

Ngayong buwan nag-file at nakapasok si Herlene bilang official candidate ng Binibining Pilipinas 2022 pageant.

Read: Herlene Budol makes it to Top 40 of Binibining Pilipinas 2022

Limitado ang pagtanggap ng trabaho ngayon ni Herlene para matutukan ang kanyang venture sa pageant.

Mensahe niya kay Karen (published as si): “Salamat ng Marami dahil 3 mons ako bawal mag tanggap ng trabaho at endorsement sa policy ng Binibining Pilipinas.

“Kaya umaasa nalang din ako ng income sa youtube Channel ko sa pag pa vlog!”

“Malaking tulong po eto para sa aking pamilya at ibibigay ko po eto kay Nanay Bireng at Tatay Oreng ko,” ani Herlene, patukoy sa kanyang lolo at lola.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Panghuling mensahe ni ni Herlene: “Ako nga pala si Binibining number 8 Nicole Budol a.k.a. Herlene Hipon at mag iiwan ng kasabihan ‘Magsipag at wag umasa sa iba. indi araw araw ay bday natin.’”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene Budol on receiving money from Karen Davila: “Ibinigay po nya sa akin yung earnings sa youtube nya nung ininterview nya sa akin nakaraan April 2 sa halagang 100,000 pesos."
PHOTO/S: @herlene_budol on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results