Sinagot ni Ruffa Gutierrez kung ano talaga ang namamagitan sa kanila ni dating Quezon City Mayor Herbert Bautista.
Sinimulan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tanong kung, bukod sa kanyang dalawang anak at pamilya, sino ang nagbibigay ng glow sa buhay niya ngayon.
Ibinalik ni Ruffa ang tanong kung sino ang tinutukoy namin dahil mahirap daw mag-assume kung hindi namin babanggitin ang pangalan.
Diretsahan na naming binanggit ang pangalan ni Herbert, at sinagot ni Ruffa ang aming tanong.
Pahayag niya, “Nagpapa-glow siya sa akin because he motivates me and he guides me, and I think that’s what I really need right now, di ba?
“So, tama yung sinabi niya sa isang interview that we motivate each other and we’re in a mature relationship.
“Mature, ano ang ibig sabihin nun? Imagine, I haven’t been in school for more than 30 years.
"And when we first met each other on the set at The House Arrest of Us, talagang in-encourage niya ako.”
Nakausap namin si Ruffa sa media launch ng bagong lifestyle brand na binuo at iniendorso niya, ang Gutz and Glow, noong Lunes, April 25, 2022, sa Pandan Café Restaurant, Quezon City. Kasama ni Ruffa na humarap ang business partner niyang si Ms. Maricor Flores ng Skin Solutions.
Sa panayam ni Herbert kay Ogie Diaz na lumabas sa YouTube noong April 12, 2022, tinanong ang senatoriable kung ano estado ng relasyon nila ni Ruffa.
Sagot ni Herbert, “I’m in a place na masaya lang.
"Hindi siya ganun kaseryoso pero seryoso rin at the same time. Meron kang inspirasyon, meron kang motivation.
"Ganun yung sitwasyon ko ngayon."
Sinabi rin ni Herbert na minotivate niya si Ruffa na bumalik sa pag-aaral.
Aniya, “Ganun lang, ganun lang. Parang, siyempre ako, I motivated her to go back to school. Ga-graduate na siya, by July, ga-graduate na siya.”
Read: Herbert Bautista on status of relationship with Ruffa Gutierrez: "It’s a mature relationship."
BACK TO SCHOOL
Matagal nang nakatrabaho ni Ruffa si Herbert, at nagsama sila uli sa seryeng The House Arrest of Us. Doon daw niya lalong nakilala ang actor-politician.
Saad ni Ruffa, “Unang-una, matalino siya.
"Pangalawa, matagal ko na siyang kaibigan. Matagal ko na siyang kakilala.
“My second movie was Takbo, Bilis Takbo, and Herbert was my leading man.
"Girl! Hindi pa ako dalaga nun. Bata pa ako nun. Wala pa akong mens nun. Hello! 13 years pa lang ako nun!
“Our paths never crossed after 1993. So 1993, until The House Arrest of Us, he was not in my radar at all.
"As in, hindi ko alam ang ginagawa niya,” bulalas ng aktres at dating beauty queen.
Sa The House Arrest of Us (2021) daw nagsimula ang madalas nilang pag-uusap, at nakumbinsi nga siya ni Herbert na tapusin ang pag-aaral.
“Sabi ko sa kanya, ‘Alam mo, you know what, I really wanna do master classes or short courses.
“Sabi ‘nya, ‘Hindi. Ba’t ayaw mo tapusin ang college? Matalino ka, puwede mo pang gawin yun.’
“Parang, I was doubting myself pa. Sabi ko, 'Can I really do it pa ba?' And sabi niya, 'Why not, di ba?'
“So, with him encouraging me, I was able to finish ang get a college degree. I’ll be graduating in July.
"And you know, my teacher is so proud of me,” masayang pahayag ni Ruffa.
Si Ruffa ay kumukuha ng kursong Bachelor of Arts Major in Mass Communication sa Philippine Women’s University. Sa ilalim ito ng Expanded Tertiary Education Equivalency And Accreditation Program o ETEEAP.
NOT IN A HURRY
Hindi raw nagmamadali si Ruffa sa kung anuman ang namamagitan sa kanila ngayon ni Herbert.
Ang maganda raw sa kanilang relasyon, hindi ito nagbibigay ng stress sa kanya.
“I think, ang kailangan natin sa buhay natin ngayon para mag-glow tayo, yung nagbibigay sa atin ng encouragement at hindi stress, di ba?
“With all the stressful things happening in our lives right now, he doesn’t give me stress. He just give me glow, and that’s all we need,” napapangiti niyang pahayag.
Kung ikukumpara sa mga nakaraan niyang relasyon, ibang-iba raw si Herbert. Pero sinisimulan pa lang naman daw nila ang magandang relasyon, at hindi raw totoo yung mga kung anu-anong kumakalat na balita.
Saad ni Ruffa, “Naiiba si Herbert sa lahat, because he’s not the typical guy na he wants to bring me to the bedroom.
“He’s the type of guy who’s very slow, he’s very steady, he’s very respectful to my parents, very respectful to my kids.
"Sometimes, he’ll come to my house, at seven hours kami nag-aaral.
“Hindi makapaniwala ang mga marites kong friends. Sabi, 'Ano ang ginagawa niyo diyan?' Akala may ganap na.
“'Girl, huwag kayong excited. Nasa step one pa lang kami. Huwag niyong pangunahan, di ba?'
“Kasi ang mga tsismis, parang nasa step 20 na kami, di ba?
"Nag-on na kami, nabuntis na ako, nagpakasal, nanganak, nakunan, nagbi-build na kami ng bahay."
Wala raw ibang lalaking idini-date ngayon si Ruffa dahil naka-focus siya sa kanyang showbiz career at ang negosyong sinisimulan niya, kagaya nitong Gutz and Glow.
“We’re just in the process of getting to know each other. Saka remember, I’m a long termer, and my last relation was seven years.
"And I just wanna take my time. I’m not into whirlwind romances. I’m a turtle. I want slow and steady.
“I’m not dating any other guys, because I’m focused on my career right now. And I’m focused on improving myself, and I’m so thankful that Herbert has the same goals.
“Wala sa amin yung 'Oh my God, let’s get married na!' Wala. We’re focusing on our goals individually.
“We’re still ano… it’s a very relaxed and happy companionship. No pressure.”
NOT THE MARRYING TYPE
May pahayag din si Ruffa tungkol sa sinasabi ng iba na si Herbert daw ay ang tipo ng lalaking walang pinapakasalan, pagkatapos ng mga nakaraan nitong relasyon.
Saad ng aktres, “Sa mga marites na nagsasabing walang balak na magpakasal si Herbert, they didn’t even care to ask me. May balak ba ako magpakasal?
“Ayokong magpakasal, di ba? Unless some guy comes into my life and sweeps me off my feet that will give me a better life that I have now.
“It was a very adventurous, unforgettable experience, but it was also traumatic," pagtukoy niya sa kanyang first marriage.
"So, I’m not the type that I just jump into a relationship and get married.
“I don’t even know… well, I need my space. I don’t even know, I can be with someone 24/7 anymore.
"And I’m so happy that Herbert feels the same way. That’s why siguro we get along."
Mayroon bang ipinangako si Herbert sa kanya?
“We’re not into promises. We keep things real,” mabilis niyang sagot.
Sa media launch ay namigay si Ruffa ng campaign T-shirt ni Herbert, na tumatakbong senador ngayong May 2022 elections.
Pero ayon kay Ruffa, hindi siya pinapakiusapan ni Herbert na sumama sa pangangampanya kaya sa social media na lang daw siya tumutulong.
Pero sa kahit anong paraan ay willing siyang tumulong bilang pasasalamat niya sa mga nagawa ni Herbert para sa kanya.
“You know what, sa sobrang grateful ko sa kanya, talagang dini-direct niya yung buhay ko in the sense for the better.
“I mean, if this is the only thing that I can do to support him na ma-fulfill din yung dreams niya katulad ng ginawa niya sa akin, why not, di ba?
“So, I think it’s about uplifting each other.
“So, I always say, ‘Thank you so much, you know by July magga-graduate na ako.' Sabi niya, 'No, hindi ako 'yan, ikaw 'yan.'
“Kasi puwede naman siya magsabi sa akin, pero kung ayaw ko, kung tatamad-tamad ako, hindi ko naman gagawin.
“So, I think the least that I can do is to support him in this campaign,” seryoso niyang pahayag.
