Ano ang ugnayan nina Wil Dasovich at Carla Humphries?
Ito ang tanong ng netizens matapos ibahagi ni Wil ang pamamasyal nila ni Carla sa Los Angeles County Museum of Art.
Ipinost ni Wil ang picture nila ni Carla sa Instagram ngayong Martes, April 26, 2022.
Kunwa'y nagtataguan ang pose nila sa pamosong Urban Light installation.
Caption ni Wil, "Backyard tourists."

Hindi ito nakalampas sa mga masugid na sumusubaybay kay Wil, na hindi maiwasang ma-curious kung may bago na ba itong pag-ibig.
Nanguna sa nanukso kina Wil at Carla si Bianca King na nagtanong, "Is there something here?"
Pati netizens ay nagtanong kung sila na ba.
Pero marami rin ang pabirong iniintriga si Wil kung "gumanti" raw ba ito.
Noon lamang Sabado, April 23, naiulat na ang ex-girlfriend ni Wil na si Alodia Gosiengfiao ay masaya sa piling ng bagong karelasyon.
Read: Alodia Gosiengfiao introduces new boyfriend
Sina Wil at Alodia ay apat na taong magkasintahan pero nagkahiwalay noong November 2021.
Hirit pa ng isang netizen, "mag-piano" rin si Wil tulad ng ginawang pagharana kay Alodia ng hinihinalang non-showbiz boyfriend nitong natukoy na si Christopher Quimbo.



