Nahaharap sa kasong cyber libel ang dating personal aide ni Senator Manny Pacquiao na si Jayke Joson.
Kaugnay ito ng word war nina Jayke at Annabelle Rama noong October 2021.
Si Jayke ay kumakandidatong kongresista sa ilalim ng Frontliners Party List. Si Annabelle ay supporter ni Pacquiao at isang talent manager.
- Reklamong cyber libel nina Annabelle Rama at Jayke Joson laban sa isa't isa, dinidinig na sa korte
- Manny Pacquiao to file cyber libel, estafa complaints against ex-aide Jayke Joson
Ngayong Miyerkules, April 27, 2022, nakatanggap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kopya ng resolusyon ng Office of the Prosecutor ng Quezon City.
May petsang March 21, 2022, pirmado ito ni Assistant City Prosecutor Jonathan Magallanes, at aprubado ni Division 7 Senior Assistant City Prosecutor Chief Arleen Tagaban, at Deputy City Prosecutor Irene Resurreccion-Medrano.
Nakadetalye ritong inireklamo ni Annabelle ang diumano'y paninirang-puri ni Joson nang tawagin siya nitong "liar" at "swindler" sa isang artikulong nailathala sa online website ng isang broadsheet.
Nakasaad din ang alegasyon ni Jayke na may "pending cases in court for swindling, estafa, bouncing check, grave threat, unjust vexation, oral defamation, at libel."
Mariin itong itinanggi ni Annabelle.
"All the cases mentioned were already dismissed as evidenced by certifications from the courts.
"Respondent acted with malice," depensa ng kampo ni Annabelle, ayon pa rin sa resolusyon.
Nanindigan naman si Jayke na hindi niya siniraan si Annabelle. Nilabas daw niya ang pahayag na iyon bilang sagot sa "malicious statements" na ipinost ni Annabelle.
Sa isang IG post ni Annabelle, kinuwestiyon niya ang pagkandidato ni Jayke bilang kongresista dahil baka ang gawin daw nitong panukala ay "paano magkapera ng milyones sa pangloloko."
Tinawag din ni Annabelle si Jayke na "anay, uod at cancer sa buhay ni Manny" at malaki raw ang perang kinita ni Jayke nang maging "alalay" ito ng senador noon.
FISCAL FINDS "PROBABLE CAUSE" FOR CYBER LIBEL
Apat na elemento ng cyber libel ang sinuri bago kinasuhan ng Quezon City Prosecutor's Office si Jayke.
Ayon sa piskalya, "defamatory" ang pagtawag ni Jayke kay Annabella na "liar, has pending criminal cases and a swindler."
Walang naihain si Joson na ebidensiyang "swindler" si Annabelle. Napatunayan din daw ni Annabelle na nabasura nga ang mga isinampang reklamo sa kanya noon.
Nakitaan ng "malice" ang mga binitiwang salita ni Joson laban kay Annabelle.
Sabi ng piskalya, "malicious" ang isang pahayag "even if true, if no good intention and justifiable motive is shown."
Marapat daw na sa court trial na mapag-usapan ang depensa ni Jayke na hindi siya dapat makasuhan dahil "public figure" si Annabelle at kung mayroon mang "justifiable motive" si Jayke sa mga nasabi tungkol sa talent manager.
Ang dalawa pang elemento sa cyber libel ay kapag napangalanan ang complainant, at kapag nailathala ito at nabasa ng ibang tao.
Natukoy nga raw si Annabelle, at nailathala ang mga tinuran ni Joson laban kay Annabelle sa nailathalang artikulo sa web site ng isang broadsheet.
Ang desisyon ng Quezon City Prosecutor's Office: "WHEREFORE, finding probable, the undersigned respectfully recommends that respondent JOHER JAYKE JOSON be indicted with violation of Section 4(c)(4) of Republic Act No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012."
JOSON'S CYBER LIBEL COMPLAINT VS ANNABELLE
Sa kabilang banda, nahaharap din si Annabelle sa cyber libel case dahil sa mga tirada niya kay Jayke sa social media.
Ayon sa ulat ng Philippine Daily Inquirer noong February 1, 2022, inihayag ni Jayke sa isang media statement na nirekomenda ng National Bureau of Investigationna-mag-file ng cyber libel complaint laban kay Annabelle sa Las Piñas City Prosecutor’s Office,
Read more: https://entertainment.inquirer.net/436043/annabelle-rama-faces-cyber-libel-rap-filed-by-nbi-after-complaint-from-manny-pacquiaos-ex-aide#ixzz7RhluDjEr
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook reklamong cyber libel niya kay Annabelle.
Kaugnay iyon ng alegasyon ni Annabelle na "magnanakaw" at nagbulsa umano si Jayke ng pera ni Pacquiao.
Mariin iyong itinanggi ni Jayke.
Si Jayke ay binansagang "Pambansang Anino" dahil palagi raw itong nasa likod ng boksingero sa lahat ng laban nito.
Pero nagkahidwaan ang dalawa.
Noong October 18, 2021, ipinaliwanag ni Joson sa panayam ng SMNI News na nagkalamat ang samahan nila ng Pambansang Kamao dahil sa isyung pera.
Ayon kay Jayke, kasama raw siya ni Arnold Vegafria na nag-ayos ng kagustuhan ni Pacquiao na lumaban uli sa boksing bago magretiro para ipangtulong sa nangangailangan ang perang kikitain.
Si Vegafria ay business manager ni Pacquiao.
Naikasa raw nina Vegafria, Joson, at isa pang kasamahan ang dapat sana'y laban ng Pambansang Kamao at Conor McGregor sa Las Vegas, sa ilalim ng Paradigm Sports.
Nang magkapirmahan ng kontrata, humingi umano si Pacquiao ng advance payment na $2M, o higit PHP100M, sa Paradigm Sports. Naibigay raw ito ng Paradigm Sports.
Diumano, humihingi pa sana ng dagdag na $2M cash advance si Pacquiao, pero hindi na raw pumayag ang Paradigm dahil wala raw talaga sa kalakaran nila ang magbigay ng cash advance.
Dito na raw nag-decide sina Joson at Vegafria na maglikom ng PHP65M mula sa sarili nilang pera "para lang mapagbigyan si Manny."
Pero hindi natuloy ang laban nina Pacquiao at McGregor.
Reklamo ni Jayke sa panayam ng SMNI, "...nakuha niya yung pera ng Paradigm, tinakbuhan pa kami."
Mariing pinabulaanan ng kampo ni Pacquiao ang alegasyon ni Joson.
Sa ulat ng ABS-CBN News Online noong October 19, 2021, sinabi ni Atty. Nikki de Vega, legal counsel at spokesperson ni Senator Pacquiao, na puro gawa-gawa lamang ang binitawang salita ni Joson laban sa senador.
Ayon pa kay Atty. de Vega, nagkalamat ang pagkakaibigan nina Pacquaio at Joson noong 2020, dahil napansin umano ni Pacquiao na may nagawang "mali" si Joson at hindi ito umubra sa senador.
Hindi na idinetalye ng abogado kung ano man ang sinasabing kamaliang nagawa ni Joson.
Sinabi rin noon ni Atty. de Vega na plano ng senador na sampahan ng cyber libel at estafa si Joson. Hindi malinaw kung natuloy ito.
Read: Pambansang Anino Jayke Joson reveals falling-out with Senator Manny Pacquiao over money
