“Pulitika lang ‘yan.”
Ito ang reaksiyon ni DJ Durano tungkol sa buwelta sa kanya ni Pokwang sa Facebook kagabi, April 27, 2022.
Nag-ugat ito dahil sa komento ng aktor sa post ng GMA-7 director na si Conrado "Rado" Peru tungkol sa mga troll.
Nilakipan ito ng direktor ng larawan ni Pokwang at ng screenshot ng opinyon ng comedienne tungkol sa gagawing paghihigpit ng billionaire businessman na si Elon Musk, ang bagong may-ari ng social media platform na Twitter, laban sa mga troll o spam bot.
Sabi ni Direk Rado tungkol sa post ni Pokwang: “Boboto ung mga tinatawag nyong 'Trolls' sa May 9 at ipapamukha namin sa inyo kung cno ang gusto namin…at tatandaan kita kasi TROLL ang tingin mo sa akin…”
Komento naman ni DJ tungkol kay Pokwang: "Feeling sikat sya, di naman. Sa ABS-CBN lang napansin yan, feeling nya Aiai sya, ang layo maryosep."
Nag-react dito si Pokwang dahil wala naman siyang binanggit na pangalan sa kanyang post tungkol sa mga troll.
Buwelta niya sa direktor: "basahin mo mabuti tweet ko wala akong binanggit na pangalan trolls ang sinabi ko!! Troll kaba kaya ka triggered?
"pero ikaw pinagbantaan mo ako at using my picture pa talaga ano po? ihiwalay mo ang politika sa trabaho sana po diba? pwede kita idemanda po fyi!”
Sa litanya ni Pokwang kay Direk Rado ay pinasaringan din ng Kapuso comedienne si DJ, na lumalabas na rin ngayon sa mga programa ng GMA-7.
Maanghang na salita ni Pokwang: “At ikaw DJ Durano!! Woohoo Dios mio!! feeling sikat ako??? Nagfi-feeling Ai Ai ako??? Hahahahhaa unang una Oo sikat ako kumpara sayo tah ka plastik ka!!!
“Ikaw laging sabit lang sa movie ng namayapa kong mahal na direktor kasi nga nagagalit ka kapag hindi ka kasama sa mga proyekto nya!
"kapal ng mukha mo! kung sino man mga friend nya dito paki paabot sa kanya ito plastik sya!!”
Ang tinutukoy ni Pokwang na "namayapa kong mahal na direktor" ay si Wenn Deramas. Ilan sa mga pelikula ni Pokwang na idinirek ni Pokwang ay ang D' Lucky Ones (2006) at Apat Dapat, Dapat Apat (2007).
Read: Pokwang calls out director Rado Peru, actor DJ Durano in a Facebook rant
Nang sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunin ang reaksiyon ni DJ tungkol sa patutsada sa kanya ni Pokwang ay "no comment" ang sagot niya.
Pero sa huli, ibinahagi niyang nagkausap na sila ng comedienne.
“No worries. Nag-usap na kami,” ani DJ.
Binura na ba ni Pokwang ang kanyang post laban sa kanya pagkatapos ng kanilang pag-uusap sa cell phone?
“It doesn’t matter. Lalaki naman ako. Walang mawawala. Hehehe!” sagot ni DJ.
May mensahe ba siya sa mga taong nakabasa sa mga sinabi ni Pokwang tungkol sa kanya?
Saad ni DJ, “Nothing. Elections is temporary. Keep your friends.
"It’s just a misunderstanding. Wala yun, maliit lang ang industry. Hahaha!
“Ganoon talaga ang heated emotions dahil sa politics. At least, nag-usap na kami after she posted it.”
Si Pokwang ay hayagan ang pagsuporta kay Vice President Leni Robredo.
Hindi naman direktang sinasabi ni DJ kung sino ang sinusuportahan niyang kandidato sa papalapit na eleksyon, ngunit may mga pahiwatig siyang maka-Bongbong Marcos siya.
Si DJ ang host ng Binibining Mateo na ginanap sa San Mateo, Isabela noong April 9. Dito napatunayang BBM supporter siya nang punahin niya ang red gown na suot ng isang kandidata.
Tanong ni DJ, "Ano ang favorite color mo?"
Sagot ng kandidata, "As a woman who was born in the month of February, my favorite color is red definitely."
Reaksiyon ni DJ, “Ako din, red. Ayoko ng pink… "
Dagdag pa ng aktor, "Ayoko ng lugaw. Hindi ako kumakain ng lugaw."
Sinundan niya ito ng peace sign ng kanyang mga daliri.
@vincentdelacruzzzz Anong kulay @djdurano ? original sound - V I N Z D E L A C R U Z ????
Sinubukan din ng PEP.ph na kunin ang pahayag ni Direk Rado Peru, ngunit tumanggi siyang magsalita.