Ipinagtanggol ni Iwa Moto ang sarili laban sa mga pumuna sa kanya matapos siyang magkomento sa paghahayag ng suporta ni Jodi Sta. Maria kay presidential candidate Vice President Leni Robredo.
Ito ay sa kabila ng naging father-in-law ni Jodi si Senator Ping Lacson, isa sa mga katunggali ni Robredo sa pagkapangulo.
Ex-husband ni Jodi ang anak ni Ping na si Pampi Lacson, na partner ngayon ni Iwa.
Read: Iwa Moto reacts to Jodi Sta. Maria choosing Leni Robredo over their dad-in-law Ping Lacson
Noong nakaraang linggo, tinanong ng isang netizen si Iwa kung ano ang masasabi niya na "Leni-Kiko si Jodi."
Ayon kay Iwa, nirerespeto niya ang desisyon ni Jodi.
Pero hirit ng StarStruck alumna (published as is): “Was just hoping na d nalang sya nag announce hihi.
“Syempre father in law namin yung kalaban na candidate [laughing with tears emojis] lol bwhahaha”
Walang tahasang pag-endorso si Jodi kay Robredo, pero may mga makahulugang tweet ang Kapamilya actress na pumapabor siya kay Robredo.
NETIZENS CLAPS BACK AT IWA
Hindi pinalampas ng ilang netizens ang komento ni Iwa ukol sa pagpapahayag ni Jodi ng suporta kay Robredo.
Nakipagsagutan si Iwa sa netizens nang i-post niya sa Instagram ang larawan nila ni Senator Ping noong nakaraang linggo.
Pagsita ng isang netizen kay Iwa: “Eh ano naman kaya Kung I announce ni Jodi …Past is past … pakialamerang palaka”
Balik-tanong ni Iwa: “Anong tawag mo sa ginagawa mong pag comment [laughing with tears emojis] im sure di ako palaka. How about you? [laughing with tears emojis]”

Buwelta ng isa pa laban kay Iwa, sana ay hindi na lang ito nagsalita para hindi na humaba ang usapan.
Sagot ng isa pa, si Iwa ay hindi kasal kay Pampi samantalang si Jodi ay kasal sa anak ng presidential candidate.
“my point exacty [laughing with tears emojis]” sagot ni Iwa, na tila nais igiit ang katuwiran niya sa naunang post na “father in law” ni Jodi si Ping.

Buwelta ng isa pa kay Iwa, wala namang magagawa si Jodi sa desisyon ni Iwa na suportahan si Ping.
Buong mensahe ng netizen kay Iwa: “Wala naman pake si jodi kung support mo si ping so dapat keribels ka lang din kung sinong support ni jodi.
“Ilagay mo sa tama yun pake mo #respectbegetsrespect”
Maanghang ang isinagot dito ni Iwa.
Diin ng dating aktres, sinabi niya sa kanyang previous post na iginagalang niya ang desisyon ni Jodi.
Sumagot lang daw siya dahil tinanong ang kanyang opinyon.
Buong sagot ni Iwa (published as is): “nabasa mo ba post ko???? I said I respect her decision…
“eh ikaw nirerespeto mo ba yung post ko???
“Nag post ako not to disrespect anyone.
“Someone asked me a question. I answered it.
“Straight to the point and most importantly HONESTLY!!!
“D ba pwedeng mag sabi ng nararamdaman? Kaya nga I hoped eh”
