PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang on DJ Durano apology after calling her "feeling sikat"

Pokwang says she reached out to DJ Durano to settle the issue between them.
by Julie E. Bonifacio
Published May 3, 2022
Pokwang, DJ Durano
Pokwang on word war with DJ Durano: "Masakit, di ba? Of all people na makita ko yung ganun ang reaksiyon niya. Pero in fairness naman to him, nag-apologize naman siya."
PHOTO/S: Marietta Subong / DJ Durano Facebook

Kinumpirma ni Pokwang na nagkausap na sila ni DJ Durano at humingi ng paumanhin sa kanya ang aktor matapos ang word war nila sa Facebook kamakailan.

READ: Pokwang calls out director Rado Peru, actor DJ Durano in a Facebook rant

READ: DJ Durano reacts to Pokwang's statement against him: “Pulitika lang ‘yan.”

Nag-umpisa ang isyu nang mag-post si Pokwang ng news item na nabili ng bilyonaryong negosyante na si Elon Musk ang Twitter sa halagang $44B.

Nangako si Musk na pupuksain ang pagpapakalat ng mga unwanted promotional content sa Twitter.

Caption ni Pokwang sa kanyang tweet: "Katapusan n’yo na mga trolls!! Next naman sana TikTok at FB na nag-aalaga at nagpapalaki ng mga trolls na ‘yan!!"

Ang trolls ay tumutukoy sa organisadong makinarya na ginagamit upang magpakalat ng propaganda sa social media.

Walang tinukoy na pangalan si Pokwang sa kanyang post, pero sa hindi malinaw na dahilan ay inalmahan ito ng Kapuso director na si Conrado "Rado" Peru.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ni-repost ni Peru ang Facebook post ni Pokwant at sinabing pagkatapos ng eleksyon ay tatandaan niya ang pagturing sa kanya ni Pokwang na "troll."

Lumaki ang isyu dahil sa post ni Peru ay nagkomento si DJ na "feeling sikat" si Pokwang.

Ani DJ: "Feeling sikat s’ya, di naman. Sa ABS-CBN lang napansin ‘yan, feeling nya Ai Ai siya, ang layo maryosep."

Hindi ito pinalampas ni Pokie, na ni-repost ang mga maanghang na salita sa kanya nina DJ at Peru.

Post ni Pokwang, "At ikaw DJ Durano!! Woohoo Dios mio!! feeling sikat ako??? Nagfi-feeling Ai Ai ako??? Hahahahaha unang-una oo sikat ako kumpara sa’yo tah ka plastik ka!!!

"Ikaw laging sabit lang sa movie ng namayapa kong mahal na direktor kasi nga nagagalit ka kapag hindi ka kasama sa mga proyekto n’ya! Kapal ng mukha mo!

"Kung sino man mga friend n’ya dito paki-paabot sa kaniya ito plastik siya!!"

POKWANG NO IDEA WHY RADO, DJ GOT TRIGGERED BY HER POST

Sa press launch ni Pokwang bilang celebrity endorser ng Klio plasticwares, inilahad niya ang saloobin sa nangyaring kontrobersiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Punto ni Pokwang, hindi niya maintindihan kung bakit minasama nina DJ at Peru ang kanyang original Facebook post dahil hindi naman niya tinirada ang mga ito.

"Di ba, sabi niyo nga sa showbiz puno ng kaplastikan? Kaya medyo na-hurt lang ako kasi, di ba? Yun na nga ang sinasabi ko, dapat respect lang talaga," panimula ni Pokwang.

"Kasi, unang-una, wala naman akong binanggit na pangalan.

"Kung mababasa ninyo [yung post], opinyon ko yun, e. Yun ang saloobin ko, hindi ba?

"Wala naman akong inano, so yung reaksiyon lang siguro.

"And na-hurt ako doon sa isa, alam ninyo na kung sino. Kasi nakatrabaho ko siya."

Malinaw na ang tinukoy ni Pokwang na "isa" na nakasakit sa kanya ay si DJ Durano.

POKWANG NO MORE ISSUE WITH DJ

Sa tingin ni Pokwang, naging magkaibigan sila ni DJ dahil nagkatrabaho sila sa mga pelikulang ginawa ng komedyana sa yumaong direktor na si Wenn Deramas.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nagulat ako na ganun ang naging ano [reaksiyon] niya.

"Although, nag-sorry naman na siya. Nag-sorry naman siya. Sincere naman ang paghingi ng sorry," saad ni Pokwang.

Kuwento ng komedyana, siya ang nag-initiate na magkausap sila ni DJ sa kasagsagan ng isyu.

"Uh, nag-direct message kasi ako. Ako, dinirect message ko siya," esplika ni Pokwang.

"Sabi ko, kasi parang masakit yung ano [mga sinabi] niya, kasi nakatrabaho ko siya, di ba?

"And, mahal namin pareho yung tao [Direk Wenn Deramas], nasa Itaas na yun. Na yun ang dahilan kung bakit kami nagkakilala and nagkaroon kami ng trabaho together.

"Masakit, di ba? Of all people na makita ko yung ganun ang reaksiyon niya.

"Pero in fairness naman to him, nag-apologize naman siya."

Dahil nag-sorry na si DJ, para kay Pokwang ay tapos na ang isyu sa kanila.

"Hindi naman kasi dapat mabuhay sa ano [alitan], di ba? Nag-sorry na, ano pang gusto mo?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang on word war with DJ Durano: "Masakit, di ba? Of all people na makita ko yung ganun ang reaksiyon niya. Pero in fairness naman to him, nag-apologize naman siya."
PHOTO/S: Marietta Subong / DJ Durano Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results