Sa unang pagkakataon, magkatambal sina Dave Bornea at Mikee Quintos sa Apoy sa Langit.
All praises si Dave sa kanyang co-star nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Zoom mediacon na ipinatawag ng GMA-7 para sa Apoy sa Langit noong April 26, 2022.
Kuwento ng Kapuso hunk, “Naku po, sobrang grateful po ako na nakatrabaho ko si Mikee.
"Kasi sobrang generous niya when it comes to ideas, na sobrang patient niya kasi there are times pag may mga eksena na medyo mabigat, like, ‘Sorry Mikee, parang kailangan ko munang umabot dun.’
“Sasabihin niya, ‘Sige lang, sige lang.’
“So iyon, may ano din kami, may mga collaborative din kaming ginagawa, and then kung okay lang ba ito, kung tama ba ito? So nakikiramdam din kami.
“Sobrang gaan niyang kasama sa set. And then ang dami kong natutunan nga, well lagi kong sinasabi sa kanya, ‘Thank you!’
“Kasi every time pagkatapos ng isang eksena, sinasabi ko sa kanya, ‘Mikes. thank you, may natutunan na naman ako sa iyo today.’
“So iyon. So since siya naman ang madalas na kasama ko sa mga eksena, ‘Thank you, Mikes, you’re the best!’"
Galing si Mikee sa dalawang matagumpay na tambalan: una kay Kelvin Miranda sa highly-successful na The Lost Recipe; pangalawa kay Sef Cadayona sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.
Hindi ba napi-pressure si Dave dahil dito?
Pag-amin niya, “Hindi naman po maiiwasan na ma-feel ang pressure po. But then iyon nga, nagtutulungan po kami para mapaganda yung show. So iyon po, doon lang kami nakatingin, naka-focus talaga, so iyon.”
working with direk laurice guillen
Makikita sa Instagram posts ni Dave kung gaano kaganda ang kanyang katawan. Regular siyang nagwo-workout sa gym, at talagang pinaghihirapan ang pagpapaganda ng kanyang katawan.
Magkakaroon ba siya ng shirtless scenes sa Apoy Sa Langit?
“Ah, hindi pa naman po tapos yung taping namin. Abangan po natin at abangan niyo po iyan,” ang pilyong tumatawang sagot ng Kapuso hunk.
Dagdag pa niya, “Ah si Direk Laurice na po ang bahala diyan.”
Unang beses makatrabaho ni Dave ang veteran actress and director na si Laurice Guillen, na siyang director ng Apoy Sa Langit.
Ano ang pakiramdam ni Dave na isang showbiz icon tulad ni Direk Laurice ang director niya ngayon sa isang serye?
“Sobrang grateful po ako. And una, ang dami ko namang naririnig na how she works. Well, in fact, kinakabahan po talaga ako.
"Kasi nga parang, of course, as an actor may ano na parang gusto kong ma-impress siya sa akin or mapansin ako ni Direk since Direk gave me the opportunity.
“So iyon po, ang dami kong natututunan po sa kanya, and there are times na medyo kinakabahan ako na, like, ‘Direk, minsan hindi ko naiintindihan ito.’
“Well, si Direk naman napaka-open naman when it come to talking about the character. Napaka-generous din niya, and she’s there to guide us.”
Aminado si Dave na ninenerbiyos siya kapag may eksenang kukunan siya.
"Hindi naman maiiwasan po iyan. Pero iyon nga, a lot of homework, and then madaming katanungan din, just to make sure. And tulong lang din sa mga co-actors, like Mikee, since si Mikee yung lagi kong nakaka-eksena.
“So iyon po.”
Tampok rin sa Apoy Sa Langit sina Lianne Valentin bilang si Stella, Zoren Legaspi bilang si Cesar, Maricel Laxa bilang si Gemma, si Mariz Ricketts bilang si Blessie Atienza, si Carlos Siguion-Reyna bilang si Edong, si Coleen Paz bilang si Patring, si Celine Fajardo bilang si Iyah, si Patricia Ismael bilang si Lucy, at si Mio Maranan bilang si Toto Pancho.
Napapanood ang Apoy Sa Langit sa GMA Afternoon Prime.
