Nanindigan si House Deputy Speaker at Antique Representative Loren Legarda na mahalagang magkaroon ng mindset ang bawat Pilipino na sundin ang tamang habits para mapagaan ang climate change.
Ibinahagi ito ni Loren sa one-on-one interview sa kanya ni Apollo Quiboloy sa SMNI News Channel, noong May 4, 2022.
Ang simpleng pag-segrate ng basura para ma-recycle ito at pagtanim sa bakuran, aniya, ay malaking tulong para walang masayang na resources.
Pati ang pag-recycle ng tubig-ulan para pandilig sa mga halaman ay isang bahagi rin daw ng pag-conserve ng tubig.
"Kung ang pamumuhay ng tao ay sustainable, ayon sa batas ng kalikasan, ay hindi po masamang masama ang epekto ng pagbabago ng klima kasi conscious tayo, e."
Ipinagmalaki rin ni Loren ang naisabatas niyang panukala na Republic Act (RA) No. 11038 or the Expanded National Integrated Protected Areas Systems Act of 2018 (ENIPAS) na naglalayong mapangalagaan ang 94 areas sa bansa.
Panoorin ang video rito: