As of 8:47 p.m., halos nasa 57.76% na ang mga botong nabilang para sa eleksyon na naganap ngayong Lunes, May 9, 2022.
Lagpas sa kalahati ang kalamangan ng frontrunners na sina Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Sara Duterte para sa presidential at vice presidential race.
Si Marcos Jr. ay nasa halos 19 million na ang boto, habang ang pumapangalawang si Leni Robredo ay halos nasa 9 million pa lamang ang boto.

Si Duterte ay nasa lagpas 18.5 million ang boto, habang nasa lagpas 5 million ang mga boto nina Kiko Pangilinan at Tito Sotto.

Nangunguna naman sa senatorial race ang aktor na si Robin Padilla at si Congresswoman Loren Legarda, na parehong lagpas sa 15 million ang boto.
Nasa Top 12 din sina Raffy Tulfo, Win Gatchalian, Chiz Escudero, Mark Villar, Alan Peter Cayetano, Joel Villanueva, Migz Zubiri, Risa Hontiveros, JV Ejercito, at Jinggoy Estrada.
