PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pinoy's "Free Falling" photo keeps winning in contests

Two years nang nananalo!
by Bernie V. Franco
Published May 10, 2022
free falling hersley ven casero
Kuha noong 2020 ang larawan ni Hersley Ven Casero na tinawag niyang "Free Falling." Patuloy ang pag-ani nito ng mga international awards hanggang ngayon.
PHOTO/S: Hersley Ven Casero

Ilang ulit nang kinilala sa iba’t ibang international photo contests ang larawan na "Free Falling."

Kuha ito ni Hersley Ven Casero, isang multidisciplinary visual artist mula sa Dumaguete.

Kapag wala siya sa kanyang studio, umiikot siya sa mga kalsada at kumukuha ng mga larawan.

Noong 2020, napadaan ang street photographer sa Bantayan Beach, Dumaguete City, at kinunan ng larawan ang mga batang naliligo.

Pambihira ang kinalabasan ng photo dahil animo’y lumilipad sa ere ang batang tumalon sa ilog.

Swak ang tawag niya rito na “Free Falling."

HERSLEY’S AWARD-WINNING PHOTO

Makailang ulit nang pinarangalan ang “Free Falling” snapshot ni Hersley.

Nag-viral din ito noon.

Nitong May 2, 2022, inanunsiyo niyang second place ang kanyang larawan sa Italian Street Photo Festival 2022 para sa kategoryang Street Photography Single Photo.

Makikita ang larawan ni Hersley sa website ng street festival ng Italy.

free falling photo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagamat dalawang taon na ang nakalilipas nang kunan ni Hersley ang larawan, patuloy ang paghakot nito ng pagkilala.

Noong May 2021, shortlisted ang kanyang larawan sa 2021 Sony World Photography Awards, isang leading free photography competition.

Pasok din ang larawan sa top 10 shortlisted images para sa Open Competition Motion Category. Mula ito sa 150 entries na sinala mula sa 330,000 submissions mula sa 220 countries.

Ang mga photographers na kabilang sa top 10 ay tinaguriang “most talented, dedicated, and creative photographers.”

Naitampok pa ang photo ni Hersley sa The Atlantic, isang American magazine.

Pinarangalan din ito bilang Photo of the Year ng MUSE International Photography Awards noong August 2021. Nanalo ito sa People Photography (Children) category.

Ang MUSE International Photography Awards ay international competition para sa professional at amateur photographers.

Si Hersley ang nag-iisang Pinoy sa listahan ng mga winning photographers na mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang pinakaunang award ng “Free Falling” photo ni Hersley ay ang silver medal sa Street and Children’s Category ng 2020 Paris International Street Photography Awards.

THE STORY BEHIND HERSLEY’S PHOTO

Kuwento ni Hersley sa isang interview, madalas siyang mapadaan sa Bantayan Beach, na tambayan ng mga kabataan.

Nagbasakali lang si Hersley noon at nakatiyempo naman ng napakagandang pagkakataon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi sa description ng kanyang larawan sa The Atlantic: “A group of friends cool off by leaping from the seawall into the ocean at Bantayan Beach, Dumaguete City, Philippines.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kuha noong 2020 ang larawan ni Hersley Ven Casero na tinawag niyang "Free Falling." Patuloy ang pag-ani nito ng mga international awards hanggang ngayon.
PHOTO/S: Hersley Ven Casero
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results