Nagulat pati si Lolit Solis sa pangunguna ni Robin Padilla sa senatorial race.
“Gulat ako doon!” sambit ni Manay Lolit nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertaonment Portal) nitong Mayo 10, 2022, Martes, sa SuperSam restaurant, Sct. Tobias St., Quezon City.
“Dahil ang laging sinasabi, si Raffy Tulfo, di ba? Biglang PAK! Ha?! Si Robin?! Nakatulong din sa kanya iyong Muslim group, di ba?
“Hindi ko talaga akalain. Na-surprise ako! Ang inaasahan mo kasing number 1, Raffy Tulfo, Alan Peter Cayetano, mga datihan.
“Tapos, kita mo nga, si Herbert Bautista… laylay?! Di ba?! Kaya hindi ko akalain, kay Robin, biglang… TSUK!
“Huwag mong sabihing hindi ka nagulat dun! Na number 1! Puwedeng pumasok sa Top 12 pero hindi number 1, di ba?”
Read: Robin Padilla, di makapaniwala sa pangunguna sa senatorial race
At ang pumangalawa sa karera ng mga senatoriable ay si Loren Legarda. Pangatlo si Raffy Tulfo.
“Si Loren naman, lagi namang winner, di ba? Except nung nag-run siya for vice-president,” saad ni Manay Lolit.
“Si Loren, talagang ever since, lahat ng pasukin niya, panalo siya, e. Dun lang siya sa vice-president nasilat, di ba?
“Tsaka si Loren, kahit anong sabihin mo, di ba, ang hilig-hilig niyang mag-give away ng halaman. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!
“Matutuwa ka dahil mga halamang maliit. Sana man lang, kung medyo malaki na. Talagang puro maliit lang.
“Pagtanggap mo, ‘Mabubuhay ba ‘yan?! Mabubuhay ba ‘to?!’ Ha! Ha! Ha! Ha! Pero yung thoughtfulness niya, maa-admire mo.”
ON BBM-SARA WIN
Tagumpay ang pangangampanya nina Andrew E at Toni Gonzaga para kina BBM at Sara Duterte.
“Sila ngayon ang pinakamayabang dahil puwede nilang sabihin sa mga Kakampink…” pag-ismid ni Manay Lolit na nakatikwas ang kaliwang kilay.
“Saka biro mo, di ba, nung panahon na ang init-init ng labanan, parang yung mga Kakampink, pag kumampi ka sa BBM… may kasalanan ka na?!
“O, ngayon? Anong mukha ngayon ang ipapakita nila kay Toni saka kay Andrew E?”
Sabi-sabi, malamang na magkaposisyon sa gobyerno ang asawa ni Toni na si Paul Soriano.
“OK lang. May pinag-aralan naman si Paul, di ba?”
Na-hurt ba siya na hindi pumasok sa Top 12 ng senatorial aspirants si Harry Roque?
“Bakit?! Bakit?!” pagkunot-noo ni Manay Lolit.
VOTING EXPERIENCE
Kumusta ang pagboto niya sa Quezon City? Anong oras siya nagpunta sa voting precinct?
“Alas diyes,” mabilis na tugon ni Manay Lolit.
“Express Lane! Ay! Puro senior citizen ang nandudun.
“Dun ko nadiskubre na ang pinaka-complaining na tao pala sa mundo, senior citizen!
“Pag-upo ko pa lang, nagku-complain na sila. ‘Ano ba ‘to, Express Lane, ang tagal-tagal tsu-tsu-tsu, tsu-tsu-tsu-tsu!’
“Eto na, 'Day… 12:00, dumating yung mga pagkain na padala yata ng mga kandidato para sa mga Comelec chuva, yung mga Jollibee, mga McDonald’s, mga ano… dumating.
“Nakita ng mga senior. ‘Hah?! P#*@ng ina! Ano kayo?! Kakain na kayo?! Tapos kami, nakapila pa dito?! Ha?!’ ‘Kakain na kayo?! E, kayo nga, binabayaran! Kami, hindi!’
“Diyos ko! Alam mo, balak ko talagang mag-walkout! Aside from nabibingi na ako sa complaint nila… kaya lang, kilala nila ako.
“Siyempre, pag nag-walkout ako, tsu-tsu-tsu-tsu! Tsu-tsu-tsu-tsu! Pero awang-awa ako sa mga taga-Comelec dahil sa mga talak ng mga gurang.
“Ha! Ha! Ha! Ha! ‘Ano, kakain na kayo?! Tatlu-tatlo pa ang pagkain nyo!’ Ha! Ha! Ha! Kasi, bawat kandidato yata, may padala. ‘Galing po kay ano…’
“Naku, nung nakita nila, hell break loose talaga! ‘Ayay-yay-yay-yay! P%*@ng ina! Yay-yay-yay-yay!’ Daaaayyyy!!!”
Anong oras na siya nakaboto? Ano pa ang dahilan kaya hindi niya itinuloy ang pagwo-walkout?
“2:00 o’clock. Express Lane pero lahat naman ng senior, nandudun. Pati mga PWD, buntis, lahat!” himutok ni Manay Lolit.
“Eto pa, day, dahil senior ka, ayaw mong umakyat ng fourth floor dahil hagdan, di ba? Dun ka boboto sa ibaba.
“Kaya lahat ng senior na nakatambak dun, iba-ibang presinto. Sasabihin mo, ‘Lolit Solis po,’ ipapakita mo yung papel mo.
“Dun sa presinto kukunin yung balota mo. Syugal, di ba?! Paganun-ganun! E, ang daming kumukuha.
“Mas matagal pa, day! Siguro kung umakyat ako, kung hindi lang ako hingalin, umakyat ako sa fourth floor… nakaboto na ako ng alas dose.
“Kaya tuloy nung hinahanap ko yung party-list, Alamat na ang hinahanap ko, hindi na yung Agimat ni Bryan Revilla," pagtukoy niya sa panganay na anak nina Senator Bong Revilla at Mayor Lani Mercado.
“Diyos ko! Ang dami-daming party-list! Isang buong balota, party-list. Hindi ako nag-walkout para sa party-list ni Bryan, na ang akala ko, Alamat. Yun pala, Agimat.
“Kaya hindi rin ako nag-walkout, para maiboto ko si PM Vargas, si Joy Belmonte. Saka siyempre, iboboto ko si BBM!”
BIRTHDAY WISH
Ano ang wish niya sa pagsapit ng 75th birthday niya sa Mayo 20? Lahat yata ng sinuportahan niya sa eleksyon ay nanalo, di ba?!
“Naku, wala naman akong wish list, ‘no?! Natutuwa lang ako na hanggang ngayon, buhay pa ako! Ha! Ha! Ha! Ha!” mataginting na halakhak ni Manay Lolit.
“Di ba?! Lalo na kapag yung inaatake ako ng mataas na sugar, na hindi ka makahinga… Tapos the following morning, very thankful ka na, at least, buhay ka pa. Ha! Ha! Ha! Ha!
“Ngayon, di ba, pag kukunin ka na Niya, ‘OK na, God, sige na.’ Kasi talagang kung hanggang dito na lang, tanggap ko na.
“Kasi, pag talagang mataas na mataas ang sugar mo, parang hindi ka makahinga! ‘Ahh! Ahh! Ahh!’
“Pag hirap na hirap kang hindi makahingang ganun, tapos nakatulog ka at nagising ka kinabukasan, ‘Thank you, Lord!’ Yung talagang may extension pa rin.
“Yun lang. OK na yun. Kasi, sa edad ko, tapos hindi ko pa nakuha lahat ng gusto ko… bobo na ako! Hindi, di ba?!
“Yung doktor ko, sinabihan na bagalan ko ang pagsasalita para huwag akong hingalin. Ayoko nga! Hindi naman ako si Maria Clara!”
