Watch Now

Alexa Ilacad reacts to KD Estrada defending her from basher calling her "gas tank"

by Melba R. Llanera
May 13, 2022
Alexa Ilacad, KD Estrada
KD Estrada on courting Alexa Ilacad: "In a way, yes, her family approve of me and I keep it that way muna. I'll keep my good image sa kanila. I really want to show to them that I really care of their daughter. A good image of me to her family is really important."
PHOTO/S: @alexailacad Instagram

Aminado si Alexa Ilacad na nakaapekto sa kanya ang pamba-bash ng isang netizen kung saan ikinumpara ang pangangatawan niya sa isang gas tank.

READ: Did KD Estrada just take a swipe at Eian Rances for "mistreating" Alexa Ilacad?

Ayon sa Kapamilya actress, iniyakan niya ito lalo't sensitibo sa kanya ang usapin pagdating sa pangangatawan.

To the rescue naman agad kay Alexa si KD Estrada, ka-love team at kapwa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 housemate, nang sagutin nito ang basher ng aktres.

READ: The umaapaw sa kilig love team of KDLex, a.k.a. KD Estrada and Alexa Ilacad

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Alexa at KD sa launching ng digital magazine ng Star Magic na Slay ay napag-usapan ang isyung ito.

Noong una raw, kuwento ni Alexa, ay tinatawanan pa niya ang pamba-bash.

Lahad ng dating Goin’ Bulilit star, "At first, I was laughing. I thought I was okay, I thought na hindi ako naapektuhan. Natawa pa nga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ko nga [kay KD], ‘Bakit mo pa pinatulan? Wala lang ‘yan.’

"Then, one day, there was something that really triggered me really bad and then I just started crying, I realized na I was so hurt pala."

Hindi lang daw ipinakita ni Alexa na nasaktan siya, pero ang totoo, naapektuhan siya sa kritisismo sa kanyang pangangatawan.

Na-realize lang daw niya ito habang nagte-taping ng bago nilang iWant series ni KD na Run To Me. Buti na lang daw at nandoon si KD para i-comfort siya.

Patuloy ni Alexa, "I chose not to show it na lang, not to mind it, but it really hurts me.

"It injured me, it really did. Nasa taping nga ako noon, it was our last sequence for our show Run To Me. Buti na lang he was there then to comfort me."

Ayon kay KD, hindi niya napigilan ang sarili na depensahan si Alexa dahil alam niyang below the belt na ang nangyayaring pamba-bash.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag nI KD, "For me naman kasi, you can just let them be, pero when it gets too much, that's when I think I have to put my foot down and then I have to defend Alexa.

"I care about her well-being and her mental health. I know that she's really sensitive on that topic. Wala, sumobra na sila."

Nangyari ang launch ng Slay noong May 1, 2022 sa Resorts World Manila. Ipinakilala si Alexa na cover girl nito.

Pero noong launch ng Slay sa ASAP Natin ‘To noong hapong iyon, muntik na raw siyang hindi makapunta dahil inatake siya ng depresyon.

Pag-amin ng aktres, "Kanina lang sa ASAP, muntik ko nang hindi gawin, e.

"Inaatake ako ng depression. I feel insecure about my body and I'm still learning to be comfortable.

"Knowing that people will see me again, I'm scared of that gasul moment, I'm scared that someone will say something again and all of that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It's really scary for me, it's really scary for me to do this, to be a cover girl, to wear a swimsuit, pose for a camera and try to be sexy, not me, e.

"But I really wanted to challenge myself and prove to myself that I can if I wanted to and that's why I did this."

Alexa Ilacad, KD Estrada

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ARE ALEXA AND KD AN ITEM?

Sa kabila ng pagiging sweet at sobrang close sa isa't isa, nilinaw nina Alexa at KD na hindi pa sila magkarelasyon.

Sabi ni Alexa, "Well, let's say we just love and care for each other. No, we're not together. Boyfriend-girlfriend? No, no, no.

"M.U.? I don't like that term anymore."

Ang "M.U." ay tumutukoy sa mutual understanding.

Dagdag ni Alexa: "I feel like, personally, I feel it's too soon especially with all the work, I don't think it will be smart to rush into a relationship right away. I feel like, sana, mas magamay muna namin ang trabaho and everything.

"Especially he's quite new, I don't want him to be overwelmed with adding pressure with having a relationship."

Para naman kay KD, masasabi niyang nanliligaw na siya sa dalaga at masaya siya dahil aprubado ito ng pamilya ni Alexa.

Ani KD, "In a way, yes, her family approve of me and I keep it that way muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I'll keep my good image sa kanila. I really want to show to them that I really care for their daughter. A good image of me to her family is really important."

Natanong din sina Alexa at KD kung may timeline ba silang sinusunod para ma-formalize ang espesyal na relasyon nilang dalawa.

Sagot ni Alexa, "We don't have a timeline especially we are just really enjoying every day.

"Sobrang ka-busyhan and blessings. Give me naman a year? I don't know.

"We just spend every day giving each other care or whatever appreciation even without a label but we have naman clear boundaries."

Dagdag naman ni KD, "Let's see, we're not rushing. We're just enjoying our company.”

PUBLIC DISPLAY OF AFFECTION?

Naiisyu rin ang pagiging sobrang PDA o public display of affection daw nina KD at Alexa.

Ano ang sagot nila tungkol dito?

Pahayag ni Alexa, "For me, we're comfortable being ourselves, we came from a reality show where we're just like that. Tuloy lang namin, nothing changed."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagsang-ayon ni KD, "In a way it's true, that's true.

"Sa akin lang naman, I apologize if it makes them feel uncomfortable, but me and Alexa are comfortable with it.

"It's not naman to the point naman na sobrang PDA. I think it's okay naman."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KD Estrada on courting Alexa Ilacad: "In a way, yes, her family approve of me and I keep it that way muna. I'll keep my good image sa kanila. I really want to show to them that I really care of their daughter. A good image of me to her family is really important."
PHOTO/S: @alexailacad Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results