Labis ang pagdadalamhati ni Sharon Cuneta sa pagpanaw ng malapit na kaibigan niyang si Fanny Serrano.
Si Fanny, o Felix Mariano Fausto Jr., ay isang batikang make-up artist at fashion designer. Kilala rin siya bilang aktor.
Read: Fanny Serrano, actor and make-up artist, dies at 74
Una nang sinabi ni Sharon na heartbroken siya sa pagpanaw ni Fanny.
Kahapon, May 12, 2022, ipinakita ni Sharon ang litrato na tila kuha sa pagbisita niya sa lamay para kay Fanny.
Ipinatong niya ang kanyang kamay sa casket kunsaan ang maaaninag lamang ay ang kamay ng yumaong make-up artist at fashion designer.
Puno ng emosyong sabi sa caption ni Sharon, "The hands that made me feel and look beautiful for over thirty years, even when I didn’t think I did.
"Thank you, my dearest TF, my Tita Fanny, for your love, friendship, loyalty, and for all the laughter we shared.
"Thank you for wiping so many tears quietly as they poured from my eyes on so very many occasions over all these three decades.
"I find peace in that I kept my promise to you.
"I know you have gone straight to heaven, and I pray that I see and laugh with you again there someday…I love you so very much."
Noong March 2021, nag-post si Sharon ng video kunsaan siya ay tumatangis habang humihingi ng taimtim na dasal para kay Fanny na noo'y inatake ng stroke.
Read: Fanny Serrano suffers massive stroke; Sharon Cuneta appeals for prayers
Pagsapit ng May 2021, ibinalita ni Sharon na maayos na ang kalagayan ni Fanny at nagpapagaling na sa bahay nito.
FANNY'S DAUGHTER GRATEFUL FOR HEARTWARMING MESSAGES
Pero nitong May 10, 2022, pumanaw si Fanny at kinumpirma ito ng anak niyang si Maktin Miranda.
Ayon kay Maktin, malaking bagay na makitang marami sa mga katrabaho at kaibigan ni Fanny ang nagbigay-pugay sa galing at talento nito noong nabubuhay pa.
Dagdag pa ng anak ni Fanny, "I am forever grateful and thankful to you my Papa. I AM PROUD TO BE YOUR DAUGHTER....
"Maulit man ang mundo ikaw at ikaw pa din ang ipagdadasal ko na maging tatay ko.
"Curtains down, it's your final bow, but your LEGACY lives on forever.
"No more pain Papa, you are now in the hands of God The Icon of beauty and Fashion."
