Pa-thirsty si Vin Abrenica sa social media posts na suot ang iniendorsong underwear.
“First time yun na brief,” pagngiti ni Vin nang makatsikahan ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa storycon ng pelikulang The Revelation nitong Mayo 11, 2022, Miyerkules, sa Nile Bar, Malate, Manila.
“Before, hanggang boxer shorts lang but this time… hello! I’m a dad na! Di ba? And I have a fiancée," pagtukoy niya kay Sophie Albert.
“So, parang that time, and I’m with my Hanford family, so super-comfortable ako.
“And kami-kami lang naman sa dagat. ‘Let’s do it!’"
Read: Vin Abrenica, Aljur's brother, asked if men really can't resist temptation
Ano ang pakiramdam niya sa mga nagpapahayag ng pagnanasa sa kanya dahil sa sexy posts niya?
“Honestly, it’s flattering siyempre na gusto ka nila. Ako, honestly, naa-appreciate ko yun!” bulalas ng 30-anyos na hunk actor.
“Kahit ine-express pa sa akin or sa PM, ‘Hey, you look, ganyan! You look sexy! You look good!’ Siyempre nakaka-boost ng confidence yun, ng ego ng isang guy.
“Kaya para sa akin, I appreciate that. Hindi ako nao-offend or anything, depende na lang kung anong sasabihin sa iyo.”
ACHIEVING HIS GOAL
Gaano katagal bago niya na-achieve ang ganung katawan?
“Ahhm, years na ako, e. Straight. Before AA [Artista Academy] pa. I’ve been consistent. More than a decade. Twelve years,” saad ni Vin.
Ilang packs na ba?
“Minsan, anim. Minsan, ocho. Minsan, tatlo. Depende sa mood. Depende.”
Mahirap bang i-maintain ang ganung lifestyle? Ang pagdidisiplina sa sarili para mag-workout…
“Siguro, on the first three years, mahirap talaga. First two years, mahirap talaga, nagyo-yoyo,” pag-amin ni Vin.
“But as you get to, like… oh my God, five years, six years, seven years, more than ten years, para na siyang…. Yun na ang hinahanap ko, e.
“Kumbaga, pagkagising ko, it’s my toothbrush. Oo, ganun na. Kapag hindi ako nakapag-work on myself, mainit ang ulo ko the whole day.
“Or parang may kulang. Or hindi ako makakatulog sa gabi. Ganun na siya, e. Parang part na talaga siya ng buhay ko.
“It’s not na parang, ‘Oh my God! May kailangan ako na paghandaan!’ Siguro lang, kung may shoot ako na kailangan nila, na ni-request nila na super-fit or super-malaki, then dun ako nag-a-adjust.”
Maging ang kuya niyang si Aljur at ang ama nilang 65-anyos ay laging batak ang katawan.
ON SOPHIE ALBERT
Ang fiancée niyang si Sophie Albert, nakakasabay ba niya sa pagwo-workout?
“Meron na kaming ginawang gym sa bahay. Lalo na ngayon, she’s nagpe-prepare na. Kailangan nang bumalik ng trabaho,” pagbabalita ni Vin.
Mag-aartista pa rin si Sophie?
“Gusto pa rin niya. Nakikita ko naman sa kanya. But so far, she’s enjoying motherhood,” pahayag ni Vin.
“Alam mo naman, pag nanganak, parang sasabihin mo, ‘Kapag three months na siya, magtatrabaho na ako.’
“Pero hindi pa rin, e.”
Nae-enjoy ba niya ang pagiging daddy sa 13-month-old baby nila ni Sophie na si Avianna Celeste?
Mabilis na tugon ni Vin, “Oh my God, oo! Talagang… nung dumating yung baby ko, I requested na ‘no work.’
“Kaya naman, e. No work dahil may naitabi naman akong savings. No work, focus ako sa sarili ko for a long time.
“Halos the whole pandemic din, e. Meron kaming shifts sa pagbabantay kay baby. Twelve hours kay Sophie, twelve hours sa akin. Ganun.
“Na parang start of 4:00 am, akin na siya hanggang usually… kasi, team kami, e. Every six hours. Six hours in the morning, sa akin.
“Six hours sa kanya, then six hours sa akin sa gabi, another six hours sa kanya hanggang madaling-araw.”
Walang yaya si baby?
“Wala! Wala kaming yaya, wala rin kaming helper sa bahay! Kami lang lahat. Naglalaba pa 'yan! Naglilinis din kami ng mga gamit. Kami lang tatlo,” salaysay ni Vin.
“Nung pandemic, ang hirap maghanap ng katulong. At may baby kasi, s talagang kami lahat. Kami lang talaga.”
Yayamanin si Sophie. Nahirapan ba ito na silang tatlo lang ng baby nila ang magkakasama during pandemic?
“Mahirap talaga! Pero masaya, e. Alam mo yun, parang bagong journey ng buhay namin na dinadaanan namin.
“At napakasarap lang ng pakiramdam na nakita naming lumalaki ang baby namin. Nothing is more rewarding.
“As parents, naiintindihan ko na parang… simula nang ako’y maging magulang, yung closeness ko sa parents ko, mas naging solid.
“Na parang… a lot of things, na-realize ko. Kahit anong sinasabi nila back then na mag-iiba lahat pag naging magulang ka, ako noon, parang… alam ko naman na mag-iiba talaga. “But I never felt na ganito. Sarap!”
Read: Sophie Albert, Vin Abrenica welcome their "little princess"
WHEN IS THE WEDDING?
Mag-iisang taon nang engaged sina Vin at Sophie pero hindi masabi ni Vin kung kailan ang kanilang kasal.
“Honestly, dapat soon na noon after kong mag-propose. But kasi, yung kapatid ni Sophie, ikinasal. So, may sukob, di ba?” paliwanag ni Vin.
“So, we have to wait.”
Co-stars ni Vin sa pelikulang The Revelation sina Aljur Abrenica, Ana Jalandoni, at Jelai Andres, sa direksiyon ni Ray An Dulay.
Sa storycon, biru-biruan na may butt exposure si Vin sa movie. Willing ba talaga siya?
Napailing si Vin, “Teka lang! May anak na kasi ako! Babae! Yun ang problema! Ha! Ha! Ha! Ha! Alam n’yo na 'yan!”
Sa Hanford, puwede ang pa-bukol. Pero pag sa movie, bawal ang pwetmalu?
“Ano naman yun, iba yun. Walang problema yun! Ha! Ha! Ha! Ha! Aminin naman natin, may babae na akong anak…
“Noon, OK naman ako dati. Hindi lang ako nagkaroon ng chance or anything na sinabihan ako na, ‘Oy, magpapakita ka dito, ha?’
“Walang ganun. Kaya wala akong napag-isipan na gagawin ko. Kasi… may anak na akong babae, e!
“At ako, I don’t know, sinasabi nila, nagbabago ang isang lalaki pag nagkakaroon siya ng babaeng anak.
“Yun kasing feeling ko… I think in a way na parang… I want to be comfortable.
“I don’t want na one day, baka dumaan sa kanya, na parang, ‘Uy, nakita ko ang tatay mo! Ang puwet ng daddy mo!’
“Siguro, mas maganda na malinis pa rin ako for my daughter.”
Pero sa love scene, OK lang siya?
“Walang problema. Kaya namang dayain ang love scenes. Pero ang puwet mo, hindi pwedeng dayain siguro! Ha! Ha! Ha! Ha!” halakhak pa ni Vin.
