PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andrea Brillantes management quashes fake tweets

The fake tweets even dragged presidential daughter Kitty Duterte.
by Rachelle Siazon
Published May 13, 2022
Andrea Brillantes
Aguila Artist Management: "May mga kumakalat na malisyosong tweets diumano mula sa aming artista na si Andrea Brillantes ngayon sa social media. Vinerify ito ng aming management at nakumpirma namin na ang mga ito ay peke o edited."
PHOTO/S: @blythe Instagram (photos only)

Hindi pinalampas ng talent management ni Andrea Brillantes ang kumakalat na fake tweets na inuugnay sa Kapamilya actress.

READ: Andrea Brillantes reveals past relationship with Seth Fedelin; explains issue involving Francine Diaz

Si Andrea, 19, ay nasa ilalim ng talent management ni Becky Aguila.

Sa opisyal na pahayag ng Aguila Artist Management nitong May 13, 2022, nakasaad ang screenshots ng mapanirang tweets ni Andrea na may Twitter handle na "@iamandrea_b" at user name na "Andrea Brillantes."

Makikita ritong pinalalabas na nakikipagbangayan si Andrea sa kanyang detractors gamit ang mga di magagandang salita.

Saad ng poser, "Shout out sa mahilig magkalat ng fake news! First of all wala akong porn, second hindi mantika yung hinigop ko, katas ng Hotdog yon, mga BOBO!"

May hirit din na, "Okay lang may bold, at least di palamunin sa bahay."

Pati ang presidential daughter na si Kitty Duterte ay idinamay pa ng poser.

Sabi ng poser, "Wag nyo kami i-compare ni Kitty, marami kaming differences."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bash pa nito, "At Puro kayo ML kaya mga kabataan ngayon mga mang mang! boboto nalang yung Magnanakaw pa!"

Ang official Twitter handle ni Andrea ay @andrea_b.

Pero idiniin ng Aguila Artist Management na edited ang malisyosong tweets na ito kunsaan ginamit ang Twitter handle ni Andrea.

Narito ang kabuuang pahayag ng management ni Andrea:

"May mga kumakalat na malisyosong tweets diumano mula sa aming artista na si Andrea Brillantes ngayon sa social media.

"Vinerify ito ng aming management at nakumpirma namin na ang mga ito ay peke o edited.

"Nananawagan kami sa publiko na maging mas mapanuri lalo na sa pag-share nito sa kani-kanilang accounts.

"Pinaalalahan din ang lahat na ang pagpapakalat ng maling impormasyon tulad nito ay saklaw ng cyber libel at may karampatang parusa.

"Mabusisi itong minomonitor ngayon ng aming legal team para sa kinauukulang aksyon.

"Maraming salamat po."

Andrea Brillantes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ: Andrea, Miles, Sam, Mikoy talk about volunteering for Leni Robredo's campaign

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aguila Artist Management: "May mga kumakalat na malisyosong tweets diumano mula sa aming artista na si Andrea Brillantes ngayon sa social media. Vinerify ito ng aming management at nakumpirma namin na ang mga ito ay peke o edited."
PHOTO/S: @blythe Instagram (photos only)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results