Natural ang acting ni Massimo Scofield bilang island boy na si Ephraim sa pelikulang Putahe.
“Naranasan ko po talaga ang ganung buhay,” sabi ni Massimo sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Mayo 11, 2022, Miyerkules, sa Wing Zone restaurant, Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.
Paglahad ni Massimo, “Taga-Subic, Zambales po ako, sa may Hanji. Bundok. Mga Aeta po ang kasama namin.
“Laking-dagat po ako, pero hindi ako marunong lumangoy. Saka yung pinanggalingan namin na yun, ako na ako yun, e.
“Lumaki ako, walang kuryente. Siguro, nagkaroon ng kuryente sa lugar namin, mga 12 years old na ako.”
Nagtrabaho sa Pampanga si Massimo ng mga dalawang taon.
“Benta-benta ako ng kung anu-ano. Mahirap lang kami. As in wala talaga,” kuwento ng 24-year-old hunk actor.
“Walo po kaming magkakapatid. Tapos, second family kami. Tatlo kaming magkakapatid sa second family, ako ang panganay.
“Nakipagsapalaran ako dito sa Manila, kasama ang isang kaibigan. Ang laki ng pagbabago sa buhay ko.”
working with ayanna misola
May maseselang eksena si Massimo kasama si Ayanna Misola sa Putahe.
Ayon kay Ayanna, mayroon siyang naramdaman sa love scene nila ni Massimo sa bangka. Kaya gustong malaman ng aktres kung nagplaster ba si Massimo, o natanggalan ito ng plaster.
“Hindi ko rin alam kung ano ba yun, e. Hindi ko na napansin,” pagkunot-noo ni Massimo.
“Pero… hindi naman siya natanggal, kumbaga. Kapit na kapit siya talaga! Naubos nga sa akin yung plaster. Naubos talaga, sobra.”
May umigkas o nagpumiglas kaya pakiwari ni Ayanna ay may tumusok sa kanyang harapan?
“Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi natanggal, pero siguro gumana yung pagkalalaki ko,” napapangiting sambit ni Massimo.
“Gaya ng nasabi ko na po before, sariwa at malinamnam si Ayanna, ngunit nangibabaw pa rin po sa akin ang pagiging professional.”
Read: Massimo Scofield, "sariwa" at "malinamnam" ang leading ladies sa Putahe
Napahalakhak si Massimo nang uriratin kung gusto ba niyang ligawan si Ayanna, kahit pareho nilang manager si Jojo Veloso, at pinagbawalan silang makipagrelasyon.
“Parang masarap humithit muna ng sigarilyo!” bulalas ni Massimo.
“Kung ano yung ginagawa namin sa pelikula o series, hanggang dun na lang. Hindi na kami pwedeng lumagpas dun. Trabaho lang po muna ako.”
Nag premiere ang Putahe sa Vivamax noong Biyernes, Mayo 13.
Nasa cast din nito sina Janelle Tee, Ronnie Lazaro, Carlene Aguilar, Mon Confiado, Shirley Fuentes, Tabs Sumulong, Jiad Arroyo, Chad Solanom, at Nathan Cajucom, sa direksiyon ni Roman Perez Jr.
THREESOMES AND girl friday
Katatapos lang mag-shooting ni Massimo ng pelikulang Girl Friday sa direksiyon ni Joel Lamangan, na nagdirek din sa kanya sa Island of Desire.
Co-stars niya sa Girl Friday sina Angeli Khang, Jela Cuenca, at Jay Manalo. Nag-shooting sila sa Tagaytay City.
“Sobrang sarap po na makatrabaho muli si Direk Joel. Asawa po ako dito ni Jela,” lahad ni Massimo.
“Pangalawang beses na namin ito ni Jela. Una namin sa Silip sa Apoy, kay Direk Mac Alejandre. Ang mga bida roon, sina Angeli Khang, Paolo Gumabao, at Sid Lucero.
“Dito sa Girl Friday, tinalakay ang pagiging babaero ng lalaki. Kumbaga, parang sobra siyang… gustung-gusto niya, hayok na hayok siya sa babae.
“Wala siyang tigil sa babae. Nakikipag-threesome siya. Yun po yung karakter ni Jay Manalo.
“Ang laki po ng role ko dito. Puwedeng sabihin na umiikot sa akin yung istorya. Yung role ko as Jojo, sobrang laki.
“Kumbaga, kung wala si Jojo, wala yung pelikula.”
Sa pelikula ay wala pang naka-threesome si Massimo, pero sa totoong buhay ay naranasan na niya ito.
“Dalawang babae yun. Nag-iinuman kaming magkakaibigan. Mga tropa-tropa kami,” pagbabalik-tanaw ni Massimo.
“Meron silang dyowa, problema nila, ganyan-ganyan-ganyan. Tapos parang one time, nagkabiruan, ganyan.
“Biruan, biruan, biruan, hanggang sa nauwi sa ganun.”
Sanay ba siyang makipag-threesome?
“Hindi naman po. Nagkataon lang. Napadaan lang,” mabilis na tugon ni Massimo.
“Iyang threesome, nangyayari talaga 'yan, e. Hindi lang sa pelikula 'yan. Meron ngang mga nag-e-exchange partner, di ba?
“Totoo talaga siya. Saka 'yang sex na iyan, parte talaga iyan ng buhay.”
SEX AS A FORM OF COMMUNICATION
Sabi-sabi ng iba, sobrang mapangahas ang karamihan ng Vivamax movies and series.
Sang-ayon ba si Massimo na soft porn ang mga ginawa niya sa Vivamax gaya ng Silip Sa Apoy, Island of Desire, Putahe, at Girl Friday?
“Ay! Hindi po! Hindi ko po masasabi na kuwan yun! Normal para sa akin yun, e!” sansala ni Massimo.
“Para sa akin, ang sex na 'yan, communication 'yan, e. Kumbaga, puwedeng pagbuklurin ang mga tao.
“For example, lumalabas tayo, di ba? Siyempre, ang tao, naghahanap ng temptation 'yan, e. Aminin po natin 'yan, di ba?
“Kumbaga, parang… may mga taong, ‘Uy! Punta tayo dun! Uy! Punta tayo dito!’ Senyales na po yun para may mabuong samahan.
“Parang ganito, itong palabas na Putahe. Marami ring taong nagkukuwentuhan, ‘P#*@ng ina ang ganda nito!’ ‘Uy! Ang gandang eksena itong napanood natin!’
“Dun na rin papasok yung… kahit sabihin mong hindi tayo magkakilala, e. Magkukuwentuhan tayo, ganun.
“Kumbaga, puwedeng bumuo ng samahan.”
Marami bang tukso sa kanya ngayon?
“Hindi mawawala ang tukso kahit saan. Hindi mawawala ang tukso kahit nasa loob ka ng bahay.
“Hindi mawawala ang tukso, kaya sobrang halaga ng kontrol. Kung wala sa atin yung kontrol, mawawala tayo.
“Puwedeng makasama tayo, ganun. Puwedeng makagawa tayo ng masama para sa iba, ganun. So, control talaga. Control.
“Kahit na sabihin mong tukso, kahit ilang libong tukso pa 'yan, dapat doble na control ang gagawin mo.”
Meron na ba siyang nabuntis?
“Wala pa! Maingat ako, e. Lahat, pinapalunok ko!” pagbibiro pa ni Massimo.
