PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angel Locsin on supporting Bongbong Marcos, Sara Duterte

"Masasabi ko hong ikakasaya ko ho kung mali kami at tama kayo.”
by Bernie V. Franco
Published May 15, 2022
angel locsin
Angel Locsin posts about the elected officials: “Magkaiba man tayo ng stand, we should honor democracy and listen to the majority bilang ka-isang bansa.”
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram

May mensahe si Angel Locsin, 37, sa kanyang Instagram account kaugnay ng resulta ng katatapos na eleksyon.

Isa si Angel sa mga dumalo sa thanksgiving rally ni Vice President Leni Robredo, na ginanap sa Ateneo De Manila University, Biyernes, March 13, 2022.

Si Angel ay vocal at solid supporter ng tambalang Robredo-Kiko Pangilinan, na tumakbong presidente at bise-presidente.

Ang mga katunggali nilang sina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte ang nanalo bilang pangulo at pangalawang pangulo.

Sinabi ni Angel sa post na susuportahan niya sina Bongbong (palayaw ni Marcos Jr.) at Sara para sa ikabubuti ng bansa.

Umaasa raw si Angel na magiging mabuti ang pamumuno nila at ng iba pang national leaders, gaya ng mga senador.

Bahagi ng post ni Angel, “For our country’s sake, I’m rooting for our presumptive president, vice president, & senators.

“I’m hoping they’ll do better than our past leaders [praying hands emoji].

“I am a Filipino citizen hoping to be proven wrong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Masasabi ko hong ikakasaya ko ho kung mali kami at tama kayo.”

Ang pakahulugan dito ni Angel ay ikatutuwa niya kung mapatunayan ng mga naluklok na leaders na karapat-dapat sila sa puwesto, at mas magiging mabuti silang pinuno kesa sa kanyang mga sinuportahan.

May mensahe rin si Angel sa mga kapwa niya Kakampink (tawag sa Robredo-Pangilinan supporters) na nalungkot sa pagkatalo ng mga sinuportahan.

Ani Angel, “I understand na minsan mahirap, kaya kapag tingin ninyong kaya nyo na, ituloy ang ‘radikal na pagmamahal’.

“Otherwise, hanggang slogan lang pala tayo kung ganun.”

Hamon ni Angel sa kanila, ituloy ang hangarin nilang mapabuti ang kalagayan ng bansa.

“Despite everything, Saludo sa lahat ng tumindig," ani Angel.

“Hindi ko makakalimutan ang pagmamahal sa bayan na pinakita ninyo.

“Huwag hayaang mabalutan ng dilim ang liwanag na nasa puso ninyo.

“Ngayon, higit pa man, mas kailangan kayo ng bayan. Buksan ang inyong mga mata at puso para sa bayan.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pinasalamatan din ni Angel si Robredo, “Thank you VP Leni for showing grace in defeat last night. A true leader indeed.

“Reminding us na isa sa mga ipinaglaban natin ay ang demokrasya.

“Magkaiba man tayo ng stand, we should honor democracy and listen to the majority bilang ka-isang bansa.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin posts about the elected officials: “Magkaiba man tayo ng stand, we should honor democracy and listen to the majority bilang ka-isang bansa.”
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results