Mismong netizens ang sumagot sa pabiro at malisyosong komento sa larawang magkasama ang Kapuso actor na si Xian Lim at Kapamilya actress na si Barbie Imperial.
Kuha ang nasabing picture sa lobby ng isang hotel sa Mati, Davao Oriental.
Ipinost ng administrator ng nasabing hotel ang larawan kahapon, May 15, 2022, upang i-promote marahil ang establisimyento.
Nakalagay sa caption: “Thank you so much, Mr. Xian Lim & Ms. Barbie Imperial for staying at Hotel Rosario Mati [smiling, black heart emoji]”
May mga nakakatawang komento ang ilang netizens sa nasabing larawan.
Ang iba ay direkta pang tinag si Kim Chiu, ang girlfriend ng actor-director na si Xian.
Sabi ng isa, “Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko - Kim Chiu tara kape”

Komento ng isa pa, “Xian lim ngiti nang tagumpay”

Biro ng isa pa, gamit ang viral na birthday message ni Vice President Leni Robredo kay Kim, “Okay lang yan kim. I know you are in a good place now.”

Ayon sa isa pa, gamit naman ang sikat na linyahan ni Paolo Contis tungkol sa pagpunta nila sa Baguio ng napapabalitang girlfriend na si Yen Santos: “Hotel as a friend”

THE REAL REASON
Dumepensa naman kaagad ang maraming netizens kina Xian at Barbie.
Bisita lang daw ang dalawa sa isang miting de avance ng ilang pulitiko sa Mati City noong May 7, 2022.
Paliwanag ng isang netizen, “Kaya sila magkasama sa Mati City kasi isa sila sa celebrity guest ng candidato doon. Dyan siguro sila nag sstay habang nasa Mati City haha”
Kalakip nito ang ilang mga larawan bilang patunay na trabaho ang ipinunta nina Xian at Barbie doon.

Sinegundahan din ito ng isa pang netizen: “FYI THEY WERE HERE SA MATI CITY FOR A SHOW SA MITING DE AVANCE HAYS PEOPLE LOVE CHISMIS KAAYO”

Komento ng isa pa, “hoyyy mga judgemental” na may kalakip na screenshot ng mga tarpaulin ng kanilang mga panauhin na sina Xian at Barbie.

Tila nanermon naman ang isang netizen na may alam tungkol sa pagdalaw ng dalawa sa kanilang lugar.
Saad nito, “nag guesting sila sa isang Political Rally dito sa Mati City invited by Mayo Almario and his team, same hotel po sila ng pinagstayhan pero iba-ibang kwarto. Yung resting place po nila ay prepared by the people who invited them. Nandoon sila for work po. Wag tayong pala desisyon at gumawa ng issue na wala naman doon.”

Sa pagbisita sa Facebook account ng nasabing hotel, marami na ring sikat na celebrities ang nag-sta rito. Kabilang sa kanila sina Darren Espanto, BoyBand PH, Tony Labrusca, Bela Padilla, at Ivana Alawi.
Wala pang komento sina Xian at Barbie ukol dito.
