Pinantayan ni Bea Alonzo ang pagiging maalaga sa kanya ni Dominic Roque nang magkaroon ng COVID-19 ang nobyo.
Read: Bea Alonzo-Dominic Roque love story: From friends to lovers
Sabay na nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Bea at Dominic sa Bea Vlog 100th episode celebration, na ginanap sa Fishermal VIP Cinema, sa Quezon City, noong May 11, 2022.
Pagmamalaki ni Dominic, nakita niya kung gaano kaalaga at kung gaano maasikaso ang girlfriend nang siya ay magkasakit.
Ayon naman sa Kapuso actress, ibinabalik niya lang sa boyfriend ang pag-aalaga na ibinibigay nito sa kanya.
Sabi ni Bea: "Inalagaan ko talaga siya, pero hindi ako nagka-COVID nun. Magkasama kami nun, nag-quarantine kami.
"Three times, four times kaming nag-test in different days, hindi ako nag-positive.
"Maalaga [ako], oo, pero siya din kasi maalaga siya, mas yun ang love language niya, mas nae-express niya in that way.
"Ako din pag kinakailangan, halimbawa, one time masakit ang leeg niya. Hindi ko alam kung nag-stiff neck siya, akala niya kung ano na ang nangyayari, nagkaroon pala ng muscle spasm.
"I was there right away for him kahit medyo tampo-tampo ako nun, pero kahit nagtatampo, nagpunta pa rin ako. Ganun naman talaga, kunyari galit ka pero hindi mo rin naman matitiis."
Ayon pa kay Bea, suportado ni Dominic ang lahat ng kanyang ginagawa at nagko-compliment ang personalidad nila.
Lahad niya, "Before I came here this morning, pumunta kami sa isang children's village, may NGO kaming pinuntahan, tapos nag-charity event kami this morning.
"Nag-mural painting kami, nag-Zumba kami. He was also there. His team is here, Blackpeak Hypermedia, to cover some of the moments sa event na ito.
"We're very, very much okay, I feel like we complement each other. Parang easy lang, masaya yung relasyon, walang stress."
READ: Bea Alonzo recalls going from loveless to being in love with Dominic Roque
CAMPING IN TANAY
Nagkuwento rin si Bea sa camping trip nila ni Dominic kasama ang ilan sa malalapit nilang mga kaibigan.
"Masaya, yun yung first ko talaga na nag-camping ako ng hardcore. Yung first time ko na nag-camp sa Yosemite, sa California, medyo glamping pa yun kasi it looks like parang hotel, tapos maganda yung CR.
"This time, mas hardcore talaga siya, sa tent kami natulog. Yung tent na sinet up niya sa car niya, nasa taas yun ng pick-up niya.
"Medyo mas challenging siya kasi pag mainit, mainit talaga. It's a private property owned by his friend so marami namang CR.
"Kasi yun ang deal ko sa kanya, di kami tutuloy kung walang CR.
"Ang init sa Tanay, pero maganda siya, so it's worth it. I suggest na gawin yun ng mga pamilya kasi yung mga friends ni Dom may mga kids sila, isinama nila ang kids nila.
"Walang signal, yung mga bata walang nag-tantrums, naglalaro sila sa ilog, nagba-bonding sila.
"Yun ang kailangan ng mga bata ngayon, lalo na ngayong pandemic na nakakulong sila sa condo, nagta-tablet lang sila, nag-a-iPad. Ito yung much-needed getaway ng mga bata."
READ: Bea Alonzo, Dominic Roque get cozy during hiking date
Sa kabila ng magandang tinatakbo ng relasyon nila Bea at Dominic, aminado kakulangan ng oras para sa isa't isa ang nagiging rason ng tampuhan ng magkasintahan.
"Yun ang lagi niyang nirereklamo sa akin, hindi kasi ako multitasker. Pag may ginagawa ako, pag taping naka-focus talaga ako.
"Halimbawa ngayon, you wouldn't catch me getting my phone or checking my phone. Ganun talaga ako, one at a time, kahit saan bagay. Hindi ko kayang mag-soap at teleserye at the same time.
"Sa time, yun ang pinagtatampo niya sa akin, dun siya nagseselos sa trabaho ko, sa oras ko. As much as possible I give time to him and I prioritize him."
NO WEDDING TALKS YET
Nang tanungin naman ng PEP.ph kung napag-uusapan na ba nila ni Dominic ang engagement at pagle-level up ng kanilang relasyon, sinabi ng Kapuso actress na hindi pa nila napag-uusapan ang tungkol dito.
Saad ni Bea, "May mga bagay na hindi mo kasi napaplano, sabi nila mararamdaman mo na lang when you're ready. Siyempre, hindi lang naman ako ang nagdedesisyon diyan kami ng partner ako, ng boyfriend ko.
"Right now, what I can say is wala pa kami dun. We are enjoying what we have right now. I am enjoying working.
"Ang dami ko pang new discoveries sa sarili ko, marami pa akong gustong gawin.
"Siyempre ayokong pumasok sa isang pamilya, I don't want to settle down with all those thoughts hanging on my head.
"Gusto ko papasok ako na buong-buo ako, ito yung gusto ko."
