TikTok star Jules Eusebio, aka The Dub King, dies

by Jojo Gabinete
May 16, 2022
jules eusebio
Jules Eusebio, a TikTok star known for his stage name The Dub King, passed away Sunday, May 15, 2022. He was 43.
PHOTO/S: @juleseusebio on Instagram

Pumanaw na ang sikat na TikToker na si Jules Eusebio, mas kilala bilang Dub King, kahapon, May 15, 2022.

Siya ay 43 years old.

Ayon sa isang malapit na tao sa TikTok star, severe typhoid fever ang ikinamatay ni Jules. Dumanas din daw ito ng depression.

Kilala si Jules sa pang-i-spoof sa mga kilalang personalidad sa kanyang TikTok videos, gaya ni Jodi Sta. Maria bilang Dr. Jill sa The Broken Marriage Vow at ni Toni Gonzaga, at pagda-dub ng famous lines sa mga pelikula at teleserye.

Continue reading below ↓

Napanood din si Jules sa "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga! noong December 2021.

Sa naturang guesting, ikinuwento ni Jules na ang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza ang kanyang iniidolo kaya halos maiyak siya nang magkita sila nang personal.

jules eusebio maine mendoza eat bulaga

Continue reading below ↓

“Nagti-TikTok po ako. Mostly, dub content. Idol kita grabe kasi, di ba, ikaw ang Dubsmash Queen?

“Sa TikTok po kasi, kilala ako bilang si The Dub King,” pahayag ni Jules nang magkaharap sila ni Maine.

Isa sa mga nagluluksa dahil sa maagang pagkawala ni Jules ay ang kaibigan niyang si Lester Tolentino, aka TerTer, ng Cabuyao, Laguna.

Ayon kay Ter Ter, nagkakilala sila ni Jules dahil ito ang kanyang discoverer at founder ng Dubberkads, ang Facebook Group Chat ng mga TikToker.

jules eusebio dubberkads

Continue reading below ↓

“I’m proud na isa po ako sa mga nagustuhan niya na isali sa Dubberkads at dito nabuo ang friendship ng aming grupo.

"Yung ibang members po ay nasa malalayong lugar at nasa ibang bansa kaya kung sino lang ang malalapit, sila ang nabibigyan ng pagkakataon para magkita, mag-bonding at gumawa ng collaborations.

"Masaya pong kasama si Jules."

Kuwento pa ni Ter Ter, "At bago po siya pumanaw, nagsalita siya ng ‘O, alam niyo na, cremation ang gusto ko,' kaya masakit po sa amin na mga kaibigan niya ang nangyari."

Natupad ang huling kahilingan ni Jules dahil cremated na ang kanyang mga labi na nakaburol sa kasalukuyan sa Veronica Memorial Chapel sa Pasay City.

Bumuhos din ang pakikiramay ng followers ni Jules sa isa sa pinakahuling post niya sa Instagram two weeks ago.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jules Eusebio, a TikTok star known for his stage name The Dub King, passed away Sunday, May 15, 2022. He was 43.
PHOTO/S: @juleseusebio on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results