Marami nang nagbago sa buhay ng former Hashtags member na si Wilbert Ross mula nang magbida siya sa pelikula at nagkasunud-sunod ang kanyang mga project.
Read: Hashtags member Wilbert Ross, nabigyan ng second chance sa showbiz
Si Wilbert ang lead actor sa High On Sex, ang Vivamax original series na magsisimula ang streaming sa June 5, 2022.
Sa naganap na digital media conference kahapon, May 16, itinanong ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa kanya ang mga pagbabago sa buhay niya buhat nang maging in demand siya.
Tugon ni Wilbert, “Dati po, inaasar ako ni Vice Ganda na mukha raw akong Koreano na walang project. Ngayon, may projects na po ako na mukhang Koreano pa rin.
“Tapos tinatawag na akong bold star ng team ng It’s Showtime. Tanggap ko naman.
"Masaya po ako kasi may trabaho ako, sa industry natin, hindi lahat meron talaga [trabaho]. Sobrang thankful po ako sa Viva."
Mabilis ang sagot ni Wilbert sa kasunod na tanong namin kung ano ang mga ayaw niyang balikan noong nagsisimula pa lamang ang kanyang showbiz career.
“Kung meron akong hindi babalikan before sa career ko, ayoko nang balikan yung parang lagi kong feel na nasa bottom ako ng grupo sa showbiz.
“I gained naman my confidence ngayon so ayoko nang balikan yun at hindi ako papayag na bumalik sa ganoon,” determinadong deklarasyon ni Wilbert.
SEXIEST PERSON
Tinanggap ni Wilbert ang pagkakaroon ng mga depekto ng katawan niya pero nakahanap siya ng solusyon sa pamamagitan ng madalas na pagbisita sa gym.
“Yung stretch marks sa puwet ko, wala na akong magagawa, so tinanggap ko na lang siya nang buo. Step by step, tinatanggap ko na yung flaws ng katawan ko habang naghuhubad ako.
“Actually, yung Crush Kong Curly, hindi talaga ako kumakain. Takot ako na baka malaki sa screen ang tiyan ko," pagtukoy niya sa kanyang unang lead role sa Vivamax.
“[Since then], dire-diretso na. Nag-workout na ako, na-improve ko na yung sarili ko, yung katawan ko. Itutuloy-tuloy ko na talaga.
"Yung stretch marks kasi, wala na ako talagang magagawa."
Sa kabila ng flaws sa kanyang katawan, ang sarili ang itinuturing ni Wilbert bilang “sexiest person” na nakita niya.
Saad niya, "Tinitingnan ko po yung sarili ko sa salamin pero hindi ko naman pinagnanasaan.
"Sinasabi ko lang na yummy din ako kahit papaano lalo na ngayon na nagdyi-gym po ako so, yes, it’s me.”
FOUR-TIMES MORE DARING
Ayon kay Wilbert, higit na mapangahas ng apat na beses ang kanyang sexy scenes sa High On Sex.
Kuwento niya, “Yung isang araw po na talagang sequence after sequence kami.
“Per sequence, ang hahaba ng lines namin. Ang dami naming ginawang scenes.
"Open kasi yung gym so natatakot ako na baka may dumaan, makita yung puwet ko. Nahiya po ako.
“Naiyak talaga po ako sa kakatanggal ng plaster sobrang sakit po talaga at naubos na po yung…. Thank you po," ni Wilbert, na naging maingat sa pagsasalita kaya hindi niya binanggit ang parte ng katawan na kanyang tinutukoy.