Yeng Constantino to transgender sibling: "I want you to be happy."

by Bernie V. Franco
May 17, 2022
yeng constantino
Yeng Constantino (right) gives a message to her trans woman sibling, Kukie (left): "It’s something I will never be able to fully, fully understand. But I am for you.
PHOTO/S: YouTube (Yeng Constantino)

Ipinakilala ni Yeng Constantino, 33, ang kanyang kapatid na si Kukie, isang transgender woman o trans woman, sa pamamagitan ng vlog niya sa YouTube nitong Martes, May 17, 2022.

Ang trans woman ay isinilang na lalaki pero ina-identify ang sarili bilang isang babae.

Ayon sa Kapamilya singer, hindi man niya lubusang nauunawaan ang mundo ng kanyang kapatid na member ng LGBTQ+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer) community ay tanggap niya ito.

Naglabas ng video si Yeng kasama ng kapatid upang maunawaan daw lalo ng mga tao ang LGBTQ+ community.

“Aaminin ko rin siguro na I will never be able to understand it. Wala ako sa katawan mo, e,” sabi ni Yeng kay Kukie.

“Pero I can empathize doon sa feeling of you just want to be treated as a human being, kung anuman yung orientation na gusto mo.”

Sabi ni Yeng, malaking bagay na hindi sila tinutulan ng kanilang mga magulang sa mga nais nila.

Continue reading below ↓

Ibinigay na halimbawa ni Yeng na hindi siya pinigilan ng mga magulang na maging musician at pagtuunan na lang ang pag-aaral.

“Kumbaga, sa akin, puwede namag ipilit talaga ng magulang natin na hindi ako maging artist. Di po kasi ako academically sobrang okay na bata.

“Siguro kung naging mapilit ang mga magulang ko na dapat academically well achieved ka na bata para ma-accept ka, siguro sobrang mahihirapan ako.

“I’m just really grateful na may mga magulang tayo na parang tinanggap yung quirk ko.”

Nakita rin daw ni Yeng ang pagtanggap ng mga magulang sa kapatid na si Kukie, at hindi ito pinigilan sa pagnanais maging trans woman.

Hhindi man daw lubusang nauunawaan ni Yeng ang sitwasyon ng kapatid, buo ang pagtanggap niya rito.

Sabi ng singer, “So, orientation niya. Eto yung identity niya, and it’s something I will never be able to fully, fully understand.

“But I am for you. I want you to be happy. I want you to be healthy. I want you to live a full life.”

Continue reading below ↓

yeng constantino

Ito rin daw ang mensaheng nais ipaabot ni Yeng sa pamamagitan ng ginawang vlog kasama ang kapatid.

“Yung prejudice na pinagdadaanan ninyo, ng mga katulad mo, mga bata na parang there’s something wrong with me. 'Tapos, hindi mo alam kung paano mo ie-express ang sarili mo sa mundo.

Continue reading below ↓

“Kasi, parang feeling mo lagi out of place ka, para kang puzzle piece na hindi ka mag-fit kahit saang butas.

“We have that power to make people feel that they are welcome.”

Ipinagmalaki ni Yeng ang kapatid na mapagsilbi raw sa magulang.

Aniya, “Alam niyo yung kapatid ko, siya pa yung sobrang nag-alaga sa mama namin nung may sakit si Mama.

“And now na wala na si Mama, siya naman nag-aalaga sa tatay namin dito sa farm.”

Diin ni Yeng, hindi mahalaga ang panlabas na kaanyuan ng tao.

“Because they’re different, we judge them doon sa panlabas.”

Ang importante raw ay ang pagkakaroon ng mabuting puso.

“Nakikita ko iyon sa kapatid ko,” sabi ng singer.

“Ginawa ko yung vlog na ito para makita nila yung glimpse ng mundo ba nila…”

Panawagan pa ni Yeng: “I hope we will be more open, compassionate, and loving kasi yun ang kailangan ng mundo.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yeng Constantino (right) gives a message to her trans woman sibling, Kukie (left): "It’s something I will never be able to fully, fully understand. But I am for you.
PHOTO/S: YouTube (Yeng Constantino)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results