Xian Lim reacts to being linked to Barbie Imperial after Davao Oriental hotel sighting

by Rachelle Siazon
May 18, 2022
Xian Lim, Barbie Imperial
Xian Lim on malicious speculations hurled at him and Barbie Imperial: "Sa mga naniniwala, sa mga gusto bigyan ng kahulugan, kayo ay officially kasama na sa mga grupo ng Marites. Hahaha!"
PHOTO/S: PEP Live / Hotel Rosario Mati Facebook

Diretsahang hinarap ni Xian Lim, 32, ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial, 23, dahil sa kumalat na litrato nila sa lobby ng isang hotel sa Mati, Davao Oriental.

May 15, 2022 nang mailathala sa Facebook account ng hotel ang litrato nina Xian at Barbie, at doon kinuwestiyon ng netizens kung bakit magkasama ang mga ito.

May mga nangantiyaw pa sa girlfriend ni Xian na si Kim Chiu na "shot na," na animo'y ipinahihiwatig ng netizens na may dapat ipagselos si Kim.

Celebrity guest si Xian sa PEP Live, Martes ng gabi, May 17, 2022 para magbahagi ng karanasan niya sa GMA-7 prime-time series na False Positive.

Pero bago magtapos ang panayam, siya ang kusang nagbigay-linaw hinggil sa isyu sa kanila ni Barbie.

"Speaking of Facebook, may nabasa ako, nag-i-scroll ako kagabi. May mga nagta-tag ng kaganapan daw, na diumano natagpuan, na spotted daw ako sa isang lugar," bungad ni Xian.

Continue reading below ↓

Sa mga nagsasabing may ugnayan sila ni Barbie, paglilinaw ni Xian: "Not guilty. Yun na lang."

Natatawa na lang si Xian sa pagbibigay ng malisya ng netizens sa simpleng litrato nila ni Barbie.

Sabi niya: "I guess, ang reaksiyon ko lang dun is, totoo ba? Alam mo yun? Wala tayong panahon diyan. Wala na bang mabalita?

"Pero salamat sa lahat ng mga nagtanggol sa akin.

"I guess, the news is just absurd. Wala akong panahon para diyan.

"Sabi ko nga, boring ako na tao, nasa bahay lang ako, nagsusulat.

"Sa dami ng ginagawa ko, wala akong panahon para diyan."

Ipinagtanggol kasi si Xian ng ilang netizens na nagpakita ng resibong may dinaluhang miting de avance sina Xian at Barbie sa Davao City, at doon sila nanuluyan sa hotel kunsaan sila nakunan ng litrato.

READ: Netizens defend Xian Lim, Barbie Imperial over hotel sighting in Davao Oriental

Si Xian Lim ang kusang nagbukas sa PEP Live na pag-usapan ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial.

Continue reading below ↓

Sa huli, ito ang pabirong mensahe ni Xian: "Sa mga naniniwala, sa mga gusto bigyan ng kahulugan, kayo ay officially kasama na sa mga grupo ng Marites. Hahaha!"

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Xian Lim on malicious speculations hurled at him and Barbie Imperial: "Sa mga naniniwala, sa mga gusto bigyan ng kahulugan, kayo ay officially kasama na sa mga grupo ng Marites. Hahaha!"
PHOTO/S: PEP Live / Hotel Rosario Mati Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results