Veteran broadcaster Mon Tulfo arrested for cyber libel

by Arniel C. Serato
May 18, 2022
Mon Tulfo arrested in Manila
Mon Tulfo is now detained at the Manila Police District (MPD) headquarters following his arrest for cyber libel case, Wednesday, May 18, 2022.
PHOTO/S: Courtesy: Isumbong Mo Kay Tulfo on Facebook

Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang beteranong mamamahayag na si Ramon “Mon” Tulfo Jr. ngayong Miyerkules, May 18, 2022.

Ito ay may kaugnayan sa kasong cyber libel na kinahaharap ni Mon, ayon kay MPD director Police Brigadier General Leo Francisco.

Base sa ulat ng GMA News Online, nasakote si Mon ng office of the Special Mayor’s Reaction Team (SMART), sa Manila City Hall, bandang 10:30 ng umaga.

“He is still in our SMART’s office at City Hall. His case is libel,” pahayag ni Francisco

Ayon naman sa MPD Public Information Office (PIO), ang mga tauhan ng SMART ang umaresto kay Tulfo.

Sa hiwalay na ulat ng Manila Bulletin, ang arrest warrant para kay Mon ay inilabas ng opisina ni Hon. Maria Victoria A. Soriano-Villadolid, presiding judge ng Manila Regional Trial Court Branch 24.

Ito ay may kaugnayan sa paglabag niya umano sa Section R (C) (4) ng Republic Act No. 10175 o mas kilala ngayon bilang Cybercrime Prevention Act of 2012.

Continue reading below ↓

Base naman sa report ng Inquirer.net, nasa MPD headquarters na ngayon si Mon.

Hindi malinaw kung sino ang nagsampa ng cyber libel case laban kay Mon na dahilan ng kanyang pagkaaresto. Pero ayon diumano sa MPD, isang Atty. Lean Cruz ang humiling ng kanilang tulong upang mahuli si Tulfo.

Si Cruz ay abugado raw ng hindi pa pinangalanang complainant.

Saad ng MPD, “That prior to the arrest a certain Atty Lean Cruz, (counsel) for the complainant informed this office about the case and seek police assistance to arrest the accused.

“The accused was duly informed of his Constitutional Rights under R.A. 7438 in a language known to and understood by his and the nature of the charged being imputed against him but opted to remain silent. Likewise, accused is currently detained to this office, prior to the return of warrant to court of origin."

Si Mon ay nakatatandang kapatid ni incoming Senator Raffy Tulfo.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mon Tulfo is now detained at the Manila Police District (MPD) headquarters following his arrest for cyber libel case, Wednesday, May 18, 2022.
PHOTO/S: Courtesy: Isumbong Mo Kay Tulfo on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results