PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Are Miles Ocampo and Elijah Canlas in relationship?

Miles Ocampo, Elijah Canlas express how special they are to each other.
by Bernie V. Franco
Published May 18, 2022
miles ocampo elijah canlas
Netizens speculate that the guy in Miles Ocampo's solhouette photos is award-winning actor Elijah Canlas. Does this mean that a romance is brewing between the two?
PHOTO/S: @elijahcanlas and @milesocampo on Instagram

Isang appreciation post ang ginawa ni Miles Ocampo para sa kanyang recent birthday ngayong Mayo.

Nagdiwang si Miles ng kanyang ika-25 kaarawan noong May 1, 2022.

Binigyan si Miles ng iba't ibang selebrasyon ng kanyang mga katrabaho, kaibigan, at kapamilya.

Ipinost niya ang compilation ng mga kuhang larawan mula sa mga selebrasyong ito sa pamamagitan ng Instagram nitong Miyerkules, May 18.

Agaw-pansin ang huling photo sa IG post ni Miles.

Silhouette ito ng isang lalake at babaeng sweet na sweet na magkayakap.

Mahihinuhang si Miles ang babae, pero hindi kita ang mukha ng lalake dahil madilim.

Matutukoy na nakaputi ang dalawa at may Chinese bamboo sa kanilang likuran.

Simpleng caption ni Miles: “Birthday 2022. My heart is full. Thank you, thank you, thank you.”

Hiindi naman nakaligtas sa netizens ang hugging photo ni Miles at ng mystery guy.

“Last photo,” komento ng netizens.

miles ocampo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

IS ELIJAH THE MYSTERY GUY?

Pero naging mabilis ang mapagmatyag na netizens.

Iisa ang hula nila: si Elijah Canlas, 21, ang lalaking kayakap ni Miles.

Nagkomento rin si Elijah sa comments section.

“About to be the best year yet,” positibong komento ng award-winning young actor.

elijah canlas

“Ito siya eh @elijahcanlas,” komento ng isang netizen, bilang pagtukoy sa mystery guy na kayakap ni Miles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sino po boyfriend niya?” usisa ng isa.

“@elijahcanlas,” sagot naman ng isa pa.

elijah canlas

elijah canlas

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

elijah canlas

ELIJAH’S POST ABOUT MILES

Ang hugging photo na ipinost ni Miles ay tugma sa ilang ipinost na larawan ni Elijah sa Instagram noong May 1, mismong kaarawan ni Miles.

Nag-post ng birthday greeting si Elijah para sa aktres. Kalakip nito ang larawan ni Miles na nakaputi at may Chinese bamboo sa background.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa caption, nagpahayag si Elijah na gusto pa niyang magkaroon ng maraming oras kasama si Miles.

Sabi ni Elijah: “Happy birthday to my favorite person in the world! here’s to more adventures and memories.”

miles ocampo

Pasasalamat ni Miles, “Thank you for giving me the best birthday salubong, butbut. achikabuchibichakababachu!”

Makahulugan naman ang panunukso ng ilang kaibigang artista ng dalawa, kagaya nila MJ Lastimosa at Agot Isidro, na may kasamang red heart emojis ang comments.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkatrabaho sina Miles at Elijah sa TV5 series na Paano Ang Pangako noong 2021.

Mukhang nauwi sa totohanan ang panunukso noon sa dalawa na bagay sila.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens speculate that the guy in Miles Ocampo's solhouette photos is award-winning actor Elijah Canlas. Does this mean that a romance is brewing between the two?
PHOTO/S: @elijahcanlas and @milesocampo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results