PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda shells out PHP750,000 to 150 staff, crew of It’s Showtime: “PHP5,000 bawat isa.”

Vice Ganda gives PHP5,000 each to It's Showtime's staff and crew
by Bernie V. Franco
Published May 20, 2022
vice ganda
Vice Ganda, who was feeling generous this Friday, May 20, 2022, gives "additional incentive" to It's Showtime's 150 staff and crew with P5,000 each.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)

Pinasaya ni Vice Ganda ang araw ng It’s Showtime staff and crew nang ambunan niya ang mga ito ng grasya nitong Biyernes, May 20, 2022.

Sa pagsisimula ng “Showtime Sexy Babe” segment, nagpahaging si Vice tungkol sa “additional incentive” na nais niyang ibigay sa cameramen.

Kasunod nito, inisa-isa niya ang lahat ng department ng ABS-CBN daily noontime show.

Kasama na rito ang lightsmen, audiomen, art department, music department, writers, wardrobe, at iba pa.

Mas nabuhayan ng loob ang staff sa studio nang itanong ni Vice kung ilan lahat ang staff and crew ng kanilang programa.

Naunang nabanggit na 130 lahat ang production people na bumubuo sa programa.

Anunsiyo ni Vice: “Kaya ngayon pa lang, Showtime staff, 130 people, lahat kayo makakatanggap ng Merry Christmas from Vice Ganda."

Nagdiwang ang staff and crew sa studio.

“Maganda ang gising ko. Yung 130, the staff, lahat kayo makakatanggap ng PHP5,000 each," ani Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibig sabihin ay PHP650,000 ang ilalabas ni Vice para sa mga kasamahan sa show.

Maya-maya, may paglilinaw at sinabing 150 ang lahat ng production people na bumubuo sa It’s Showtime.

“One [hundred] fifty, final?” usisa ni Vice.

“Parang palaki nang palaki, ah. Parang nagkakaabusuhan tayo dito, ah,” biro ni Vice.

“One [hundred] fifty ‘yan, ha. Pero kailangan all accounted, ha. Go, go,” pagpayag ni Vice.

Kaya ang naunang PHP650,000 ay aabot na ng PHP750,000.

vice ganda

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

VICE GANDA WANTS TO SHARE HER BLESSINGS

Sa pahayag ni Vice, mahihinuhang feeling generous siya ngayong araw na iito.

Sinabi niyang nagising siya at gustong maging mabait at magbigay ng saya sa kanyang mga kasamahan.

Sabi niya, “Sa buhay hindi puwedeng ikaw lang ang maganda.

“Hindi mo maa-appreciate ang ganda mo kung yung mga taong nakapaligid sa iyo hindi naman naaambunan ng gandang iyan.”

Hindi na raw siya makahintay ng December kaya bibigyan niya ng “early Christmas bonus” ang It’s Showtime staff and crew.

Sabi niya sa mga kasamahan: “You have been very kind to me and I woke up today realizing I have been so blessed to have you.

“And I just wanna put a simple smile on your faces today. PHP5,000 bawat isa.”

Bukod sa 150 staff and crew, namigay rin si Vice ng tig-PHP10,000 sa limang viewers na mapipili sa araw na iyon.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda, who was feeling generous this Friday, May 20, 2022, gives "additional incentive" to It's Showtime's 150 staff and crew with P5,000 each.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results