Nakaburol sa Heritage Park, Taguig City ang mga labi ni Susan Roces.
Pumanaw ang beteranang aktres, sa edad na 80, nitong Biyernes ng gabi, May 20, 2022.
Read: Queen of Philippine Movies Susan Roces dies
Magsisimula ngayong Sabado, May 21, mula 6 p.m. hanggang 10 p.m., ang lamay para sa respected at multi-awarded actress na binansagang Queen of Philippine Movies.
Mula 10 a.m. hanggang 10 p.m. ang viewing simula bukas, Linggo, May 22, hanggang sa Martes, May 24, 2022.
Magbibigay ng Zoom link ang naulilang pamilya ni Susan para sa araw-araw na misa na idaraos at ihahayag agad nila ang araw ng kanyang libing kapag naayos na ang schedule.
Para sa mga personal na makikiramay at pupunta sa Heritage Park, sundin ang safety protocols tulad ng pagsusuot ng face mask sa lahat ng oras ang pakiusap ng pamilya ng yumaong beteranang aktres.
