PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gerald Anderson, Inday Barretto at Marjorie Barretto's birthday

Gerald and Julia were spotted having fun at Marjorie's 48th birthday party.
by James Patrick Anarcon
Published May 21, 2022
Julia Barretto, Gerald Anderson, Marjorie Barretto
Julia Barretto's boyfriend, Gerald Anderson and Mommy Inday Barretto (upper right) are seen together in a photo for the first time during the birthday party of Marjorie Barretto on May 19, 2022.
PHOTO/S: @wencylagumbay / @baby_love.fanpage / @marjbarretto on Instagram

Masayang nagdiwang ng kanyang ika-48 na kaarawan si Marjorie Barretto.

Naganap ang kanyang selebrasyon noong May 19, 2022 sa kanyang tahanan.

Bukod sa kanyang mga anak, namataan din ang ilang kaibigan sa kanyang selebrasyon.

Kasama na rito si Gerald Anderson, ang boyfriend ng anak ni Marjorie na si Julia Barretto.

Sa isang litrato ay makikitang magkasama si Gerald at ang ina ni Marjorie na si Estrella “Inday” Barretto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ang unang pagkakataong nakitang magkasama sina Gerald at Inday sa isang litrato.

Matatandaang noong 2019, si Inday ang isa sa nagtanggol kay Julia sa mga bashers nito noong ma-tag ang kanyang apo bilang dahilan ng hiwalayan nina Gerald at ng ex-girlfriend nitong si Bea.

Mayroon ding kuha sina Julia at Gerald kasama sina Marjorie, anak niyang si Dani Barretto, at kaibigang si Wency Lagumbay.

Marjorie Barretto, Julia Barretto, Gerald Anderson

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May video rin sina Julia at Gerald na magkasamang nagsasaya habang binabati si Marjorie.

Kasama rin sa mga dumalo si Moira dela Torre, na malapit na kaibigan ni Julia.

Sa kanyang Instagram naman, nag-post si Marjorie ng litrato kasama ng mga anak na kuha mula sa party.

Kasama rito ang asawa ni Dani na si Xavi Panlilio, Dani, Erich, Leon, Chloe, at Julia.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Marjorie Barretto and kids

Saad ni Marjorie sa kanyang post, “Turned 48 today. Thank you for all the greetings and love you sent my way.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto's boyfriend, Gerald Anderson and Mommy Inday Barretto (upper right) are seen together in a photo for the first time during the birthday party of Marjorie Barretto on May 19, 2022.
PHOTO/S: @wencylagumbay / @baby_love.fanpage / @marjbarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results