PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paul Salas Mikee Quintos dating

Paul Salas: "Gusto ko parang kung ito naman, gusto ko ito na 'yung last.”
by Arniel C. Serato
Published May 23, 2022
Paul Salas on courtship with Mikee Quintos
Paul Salas on courting Mikee Quitos: "Nakita lang din namin ang connection namin na minsan, pag sa taping nag-uusap kami ang tagal na pala, hindi na namin alam, ganun.”
PHOTO/S: Courtesy: @paulandre.salas on Instagram

Inamin na sa wakas ni Paul Salas na nagdi-date sila ng kapwa Kapuso star na si Mikee Quintos.

Ilang araw na rin kasing may mga sweet na mensahe ang dalawa sa isa’t isa sa Instagram. Kaya marami ang naghinalang netizens na may kakaibang namagitan sa kanila.

Sa ulat ng GMA News ngayong Lunes, May 23, 2022, tinuldukan na ni Paul ang mga haka-haka ng netizens ukol dito sa podcast ni Pia Arcangel na Suprise Guest With Pia Arcangel.

Ayon kay Paul, nagsimula siyang manligaw kay Mikee nang natapos ang programang pinagsamahan nila, ang The Lost Recipe, noong 2021.

Lahad niya, "After lang, doon kami nagkaligawan, doon lang kami sa papunta ng dating side na.

"Nakita lang din namin ang connection namin na minsan, pag sa taping nag-uusap kami ang tagal na pala, hindi na namin alam, ganun.”

Dagdag pa ni Paul, dahan-dahan lang ang kanilang ligawan dahil long-term aniya ang kanyang iniisp.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi nito, "Hindi kami nagmamadali, kumbaga gusto namin sure na. Kumbaga, pa-25 na po ako, so gusto ko, parang kung ito naman, gusto ko ito na yung last.”

Nais din niyang sundin ang lumang tradisyon ng ligawan.

"Gusto ko kung liligawan ko siya, gusto ko makilala agad ang parents niya, ipaalam na manliligaw ako, ipaalam na gusto ko yung anak nila, ganun.

"Nasa ganung side pa rin po ako, nasa may old-school type na parang kung puwede nga lang haharanahin ko siya.”

Ang huling hayag na karelasyon ni Paul ay si Barbie Imperial, pero nauwi ito sa hiwalayan.

Read: Barbie Imperial recounts past relationship with Paul Salas, JM de Guzman, Diego Loyzaga: "Ang bilis ko ma-in love."

Samantala, nitong unang linggo lamang ng Mayo, inamin ni Mikee na may dini-date nga siya pero hindi niya ito pinangalanan.

Read: Mikee Quintos mum on lovelife but admits she's happily dating

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paul Salas on courting Mikee Quitos: "Nakita lang din namin ang connection namin na minsan, pag sa taping nag-uusap kami ang tagal na pala, hindi na namin alam, ganun.”
PHOTO/S: Courtesy: @paulandre.salas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results