Hindi inurungan ng singer na si Kyla, 41, ang pagbatikos sa kanya ng netizens dahil sa komento niya tungkol sa oil price hike at wage issue.
Minasama ng bashers ang pagpapahayag ng singer ng kanyang opinyon.
Nagsimula ito sa tweet ni Kyla noong Sabado, May 21, 2022.
Post ng singer sa Twitter: “Sobrang mahal ng gas. Pero yung sweldo ng mga tao hindi naman tumataas.”

May mga sumang-ayon kay Kyla.
Pero maraming kritiko ang sinumbatan si Kyla dahil sa tweet niya. Hirit ng iba, may mungkahi raw ba siya para malunasan ang problemang ito?
Ang ibang netizens—pros and cons—ginawang political ang tweet ng singer.
May isang basher na sinabihan si Kyla na "walang alam sa balita."
Buong komento ng basher (published as is): “Next time magbasa ka muna ng news bago ka mag tweet. Para updated ka sa ganap.
“Feeling niyo kasing mga artista (not all) ay sa inyo naka sentro ang mundo.
“Pag gustong kumuda, kukuda kahit walang alam sa balita.”
Ni-repost ito ng isa pang basher at sarkastiko ang reply kay Kyla (published as is): “Magpatayo ka ng sarili mong petrochemical pra solve ang problema mo. Good luck!!!!”

Mahinahon pero maanghang na sagot ni Kyla: “You’re reacting to something I didn’t say or mean.
“I guess that makes you so smart. Wow. Good job genius!”

KYLA calls out TO NAME CALLING of bashers
Hindi nagtapos dito ang pagre-react ni Kyla. Halatang nabasa rin ni Kyla ang ibang komento na inaalipusta siya.
Halimbawa, may isang basher na tumawag sa kanyang “bobita” dahil sa kanyang komento.
Meron ding bashers na nagkomento ng “kanta ka na lang,” at “kyla who.”

Hirit ng singer, may ibang mahilig magkomento at mag-name-calling kahit hindi naman nauunawaan ang sinasabi ng iba.
Sagot ni Kyla: “If you don’t understand what someone is saying and you react and call them names, without fully understanding the context of what they’re saying, what does that make you?
“It doesn’t make you any better than anyone else. What does that make you as a person?”
Ani Kyla, tumingin muna sa sarili bago manghusga ng iba.
“If calling people names make you feel better, you need to start looking in the mirror.
“I feel sorry for some people spreading more hate in this world.
“I pray that in time, you’ll become a better person. God bless You!”

May tweet din si Kyla para linawin ang tungkol sa kanyang tweet.
Aniya: “I am aware of what’s happening in the world.
“Grabe ang comments ng ibang tao. Everyone want to be right nowadays. Kaya walang nangyayari.
“I was simply stating a sad reality. It’s NOT a complaint.
“I never said it’s the government’s fault. Don’t put words in my mouth.”

