Ikinasal na ang kapatid ni Maine Mendoza na si Nicoleen Mendoza sa longtime boyfriend nitong si Mike Cruz.
Ginanap ang kanilang church wedding noong Sabado, May 21, 2022, sa Bulacan.
Present sa kasal ang buong pamilya Mendoza kabilang ang mga magulang nina Maine at Coleen na sina Mary Ann at Teodoro Mendoza, at ang iba pa nilang mga kapatid na sina Nico, Dean, at Nicolette.
Nitong Linggo, May 22, 2022, muling binati ni Maine ang mga bagong kasal sa isang Instagram post.
Caption ng post ng Eat Bulaga host: "Congratulations, Mr and Mrs Cruz! [emoji] So so happy for you, @nicoleendyann! Welcome to the fam, @mikevcruz! [emoji]
"Can’t wait to see what the next chapter holds for you two. Love you both!"
Kasama ni Maine sa kasal ang kanyang boyfriend na si Quezon City Congressman-elect Arjo Atayde na bahagi rin ng groomsmen.
Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Arjo na masaya itong maging bahagi ng kasal nina Coleen at Mike.
Aniya, "Always grateful for the opportunity to witness and celebrate love — especially of those I hold close to my heart.
"Even more grateful I get to do that with a beautiful date. Congratulations Mr. & Mrs. Cruz [emoji] really happy for the both of you! [emoji]"
Read also: Maine Mendoza “one of life’s biggest blessings” ni Arjo Atayde
Anim na taon nang magkarelasyon sina Coleen at Mike bago sila nagpakasal.
Noong March 21, 2021, sinagot ng "yes" ni Coleen si Mike nang hingin nito ang kanyang kamay para sa kasal.
Isang araw matapos ito, ibinahagi naman ni Coleen sa kanyang Instagram ang sweet message niya para sa boyfriend.
Bahagi ng caption nito, "Thank you Love sa pagtupad ng mga hiling ko.. na sana magpaalam ka sa magulang ko bago ka magpropose at sana kasama natin ang mga taong mahahalaga sa buhay natin sakaling dumating ang ating “tamang panahon”.
"Love, sobrang swerte ko kasi napakabait mong tao. Salamat kasi araw-araw mong pinaparamdam sakin na karapat dapat akong mahalin.
"Please know na kahit na walang ganitong malaking proposal, na kahit puwet ng baso lang ang ioffer mong singsing o kahit nga yung singsing na alambre lang sa may Pandayan, YES pa rin ang magiging sagot ko. Forever and always, habang-buhay. [emoji]"
READ MORE:
