Agaw-eksena si Minami Fukumoto ng Japan sa Mister and Miss Runway Model Universe, isang international model search for men and women.
Isa siya sa 11 male candidates at 12 female candidates na ipinakilala sa press nitong weekend.
Si Minami ay isang transgender man o trans man, ayon sa pageant vlogs.
Ang trans man ay tumutukoy sa isang taong isinilang na babae, pero ina-identify ang sarili bilang lalaki.
Read: Trans man Nick: babaeng maganda at sexy, macho at guwapo na ngayon
Makikita si Minami na may mga larawang nakadamit babae at lalaki sa kanyang profile sa official website ng pageant.

Ang Mister and Miss Runway Model Universe ay isang bagong international pageant at ongoing ito ngayon sa Pilipinas.

Si Minami Fukumoto (front row, encircled) kasama ang iba pang candidates ng Mister and Miss Runway Model Universe.
Samantala, sa virtual interview challenge ni Minami, may pahaging siya tungkol sa pagpo-promote ng transsexuality.
Paliwanag niya, bahagi ng kulturang Hapon ang “genderless beauty.”
Sabi ng modelo, “I think the aesthetic consciousness of finding beauty in transsexuality is deeply rooted in Japanese.
“So I’d like to present my genderless beauty to the world and to express traditional Japanese aesthetic sense—not masculine, nor feminine so… genderless beauty.
“I believe this is in line of the purpose of the competition, which is different from the aesthetic contest consciousness.”

Si Minami sa national costume segment sa model search.
Kaugnay ng sinabi ni Minami, binanggit sa official website ng pageant na ang pinagkaiba nito ay pagsusulong sa edukasyon pagdating sa art and fashion.
“Our dream is to search the globe for these talents and provide them with scholarships,” ayon sa page info ng website.
“Our organization is working towards breaking the barriers of discrimination in education.”
Layunin din ng model search organization na tumuklas ng mga “new breed of models and designers” at bigyan sila ng pagkakataon sa modelling industry para ipakita ang kanilang galing at husay bilang mga models at designers.
Gaganapin ang grand coronation night ng Mister and Miss Runway Model Universe sa darating na Sabado, May 28, 2022.
