PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angie Ferro in critical condition after trip accident

Colleagues of Angie Ferro are raising funds for her hospitalization.
by Rachelle Siazon
Published May 27, 2022
Angie Ferro
Veteran actress Angie Ferro, 84, is in critical condition and is in need of financial help due to her hospitalization.
PHOTO/S: Lola Igna pictorial / poster

Isinugod sa ospital ang batikang aktres na si Angie Ferro.

Si Angie, 84, ay bumida sa indie film na Lola Igna (2019) at nanalong best actress sa 2019 Pista Ng Pelikulang Pilipino. Na-nominate din siya bilang Gawad Urian Best Actress para sa parehong pelikula.

Madalas siyang supporting cast member sa mga pelikula tulad ng Darna at Ding (1980); Nora, Mahal Kita (1972), at Ta-ra-ra-dyin Potpot (1972). Supporting cast member din siya sa telebisyon kabilang ang Kapuso prime-time series na Amaya (2011-2012).

Sa Facebook post ng Sine Olivia Pilipinas kahapon, May 26, 2022, nakasaad na dumanas ng "minor accident" si Angie.

Inirekomenda raw ng doktor na sumailalim siya sa CT Scan at X-ray at magpa-admit sa ospital.

Hanggang sa ipinasok na si Angie sa Intensive Care Unit sa Qualimed Medical Center sa Bulacan dahil sa health condition nito.

Nakasaad din sa post na walang immediate family si Angie at umaasa lamang sa tulong ng mga malayong kamag-anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umabot na raw ng PHP43,051.29 ang hospital bill as of yesterday.

Sabi pa rito, "Any amount you can spare will help her with her medicine and other medical bills."

Ang protegé ni Angie na si Noel Miralles ang nakasaad na contact person para sa donations ng mga nais tumulong sa aktres.

Ang donasyon ay maaaring ipadala via G-cash: 09926675389 o via bank transfer (Landbank) sa account ni Noel Miralles na may account number na 2726208398.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Biyernes ng umaga, May 27, 2022, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Hazel Orencio, na nakatrabaho ni Angie noon sa Amaya.

Ayon kay Hazel, sa pakikipag-usap niya kay Noel ay napag-alaman niyang noong isang araw ay nadapa lang si Angie.

Mula noon ay hindi na raw makapagsalita at hirap nang gumalaw si Angie.

Pero bago pa ang aksidenteng nadapa ang beteranang aktres ay dalawang beses na rin daw itong na-stroke.

"Nasa ICU siya ngayon ng Qualimed Medical Center in Bulacan and ballooning na ang expenses to PHP49K," pagkumpirma ni Angie.

Bagamat matagal na mula nang sila ay magkatrabaho, nag-aalala si Hazel para kay Angie dahil sa wala itong immediate family.

Naalala rin niya na noong nagtatrabaho sila ay naging generous si Angie sa pagbigay ng instant workshops sa mga extra at talent tuwing breaktime sa taping ng Amaya.

Umaasa si Hazel na sana ay matulungan si Angie sa pangangailangan nito ngayon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actress Angie Ferro, 84, is in critical condition and is in need of financial help due to her hospitalization.
PHOTO/S: Lola Igna pictorial / poster
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results