PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Slice of Life" ni Larry Alcala, tampok sa mga bagong selyo

Bahagi ito ng National Heritage Month celebration.
by KC Cordero
Published May 28, 2022
Larry Alcala and the Slice of Life stamps.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Heritage Month, tampok ngayon sa selyo ng Philippine Postal Corporation ang “Slice of Life” cartoon series ni National Artist for Visual Arts Larry Alcala.

Tampok ang “Slice of Life” cartoon series ng National Artist for Visual Arts na si Larry Alcala sa mga commemorative stamps na inilabas ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) noong May 26, 2022.

Ito ay bahagi ng selebrasyon ng National Heritage Month.

Stripe of Life stamps

Itinanghal si Alcala bilang National Artist noong 2018.

Pumanaw siya noong June 2002 sa edad na 75.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging popular siya sa kanyang mga cartoon strips sa iba’t ibang magazine, pahayagan at komiks.

Slice of Life strip

Pinakasikat dito ang kanyang mga “Slice of Life” cartoon series na nagpapakita ng mga eksena ng pang-araw-araw na takbo ng buhay Pilipino.

Inserted Larry Alcala image

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa sa pinagkakatuwaan sa "Slice of Life" ay ang paghahanap sa image ni Alcala na isinisingit niya sa mga karakter.

Nakalikha rin siya ng mahigit 500 cartoon characters, at ilan sa kanila ay sina Mang Ambo, na naging simbolo ng isang Pinoy na taga-baryo; Siopawman, na parody ng Superman; Asiong Aksaya, na isinapelikula ni Chiquito; Kalabog en Bosyo, na isinapelikula nina Dolphy at Panchito.

Noong 1988, ang kanyang Slice of Life cartoon series ang nakakuha ng Best in Humor Award.

Ayon kay Postmaster General Norman Fulgencio, ang mga komentaryo ni Alcala sa pamamagitan ng kanyang cartoon strips ay mapanuri, mapagmalasakit, at naghahatid ng saya.

Repleksiyon din aniya ito ng pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.

Dagdag ni Fulgencio, “Tinulungan po tayo ni Mr. Alcala na mas mapansin at maintindihan ang mahahalagang aspeto ng buhay Pilipino.

“Mahalaga po ang mga selyong ito dahil stamps are our window to the world, showcasing the rich history and culture of our country.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Like our own National Artist Larry Alcala, the Post Office recognizes Filipino talents and achievers, and encourages more Filipinos to do their best, to give joy, inspiration, and pride to the nation, and make a greater contribution to the improvement of Philippine economy and the nation.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Heritage Month, tampok ngayon sa selyo ng Philippine Postal Corporation ang “Slice of Life” cartoon series ni National Artist for Visual Arts Larry Alcala.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results