Simula na ng journey to forever ng magkasintahang Donita Rose at Felson Palad.
Read: Donita Rose, boyfriend Felson Palad open up about how they met in Los Angeles
Ngayong Lunes, May 30, 2022 (Philippine time), inanunsiyo nina Donita at Felson na sila ay engaged to be married.
Sa Instagram post ni Donita, ipinakita niyang may suot siyang engagement ring sa sweet photo nila ni Felson.
"Am now officially engaged!" kilig na caption ni Donita.

Agad na bumuhos ang congratulatory messages sa magkasintahan at kabilang dito ang mga kaibigang artista ni Donita.
Sabi ni Jaya, "Yes!!! So happy for you guys and thank you for letting us know agad agad hahah that was such an honor for Gary & I. God bless your new journey."
Masayang hirit ni Ruffa Gutierrez, "You finally told the world!! congratulations, girl!! You beat us all to it!!"
Ani Gelli de Belen, "Wowwwwww Congratulations Barbiedoll!!!! So happy for you. @dashofdonita"
Masaya rin para kay Donita sina Geneva Cruz, Assunta de Rossi, at Ana Roces.
HOW DONITA AND FELSON MET
Answered prayer nina Donita at Felson ang isa't isa.
Noong April 29, 2022, sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nagpaunlak ng kauna-unahang joint interview ang couple kung paano hindi inaasahang nagkrus ang landas nila.
Ikinuwento ni Felson na noong January 2022 ay isang Christian missionary ang nagpatulong sa kanyang ipag-drive ito sa isang lugar, at hindi inakala ng binata na kasama ng missionary si Donita.
Unang kita pa lang ni Felson kay Donita ay humanga na ito sa aktres dahil wala itong arteng kumain sa harap niya.
Lalo pa't high school pa lang si Felson nang maging celebrity crush niya si Donita na noo'y MTV VJ sa Singapore.
Pagkatapos ng unang pagkikitang iyon, niyaya ni Felson na maka-date si Donita, pero tila nag-alangan pa noong una ang aktres.
Sinabi ni Felson na okay lang din sa kanyang lumabas sila para magkakilanlan bilang magkaibigan dahil pareho naman silang single.
Read: Donita Rose reveals how she got convinced to date Felson Palad despite 10-year age gap
ANSWERED PRAYER
Ang ikinagulat ni Donita ay naghayag agad sa kanya si Felson nang intensiyon sa pagnanais nitong pakasalan siya.
"Sabi niya, 'I want you to know na I'm not messing around. Ayaw kitang takutin pero, kung maaari, may balak ako pakasalan ka.'
"This is our first real meet-up," lahad ng aktres.
Aminadong may pag-aagam-agam si Donita dahil 10 years ang age gap nila ni Felson, at baka masyado na raw siyang seryoso sa buhay para rito.
Pero bukod sa nagkasundo sila agad ay nag-match ang kanilang passion para sa Christian faith at sa paniniwalang ang kanilang pananampalataya ang sentro ng kanilang buhay.
Inamin pa ni Donita sa PEP.ph na bago ang chance encounter nila ni Felson ay napanood niya ang YouTuber interview ni Felson noong October 2021.
Napadasal daw si Donita tungkol sa katangiang hinahanap niya sa isang asawa, "Lord, ganyan ang gusto ko."
Ang hindi alam ni Donita ay maging si Felson ay nagdasal din bago ang kanilang first date tungkol sa intensiyon nitong makilala pa siya.
Sabi ni Donita sa PEP.ph, "Sobrang happy ako na sinagot ni Lord lahat ng requests ko sa kanya sa pamamagitan ni FPJ."
FPJ ang initials ni Felson na ang buong pangalan ay Felson Palad Jr.
Pareho silang nakabase ni Donita sa Los Angeles kunsaan celebrity chef si Donita at si Felson naman ay isang professional singer sa retirement homes at worship leader sa Christian community nito.
