Hindi napigilan ni Sharon Cuneta, 56, ang mapaiyak sa saya nang mapanood nang live ang isa sa mga iniidolo niyang K-pop stars na si Key o Kim Ki-bum.
Si Key, 30, ay isang singer, rapper, at songwriter mula sa sikat na South Korean boy band na SHINee.
Nag-debut bilang solo artist si Key noong 2018.
Kagabi, May 29, 2022, isa si Key sa South Korean acts na bahagi ng Begin Again: KPOP Edition concert na ginanap sa Araneta Coliseum sa Quezon City.
Bukod kay Key, nag-perform din ang NCT Dream, WEi, at Alice.
Ka-date ni Sharon sa concert ang anak na si Frankie Pangilinan.
Si Frankie ang nag-post ng litrato ni Sharon na napaiyak nang masilayan si Key kahit na tulad ng iba pang fans ay nasa audience lang ang Megastar.
Hirit ni Frankie, "kim kibum kaw lang ang nagpapaiyak ng mama ko na ganto."
Sabi naman ni Sharon, "Nakakahiya man pero SHINee (this time si Key pa lang) ang nakakapagpaiyak sa akin ng ganito.
"I was so happy when I got to meet NCT 127, but I will cry buckets if all of SHINee comes. And possibly EXO too (especially DO).
"Back to Ilocos tomorrow for work. God bless you all!"

ON MEETING FELLOW K-POP FANS
Tuwang-tuwa namang ibinahagi pa ni Sharon ang video nang dumating siya sa seat niya sa audience.
Hindi man niya nakadaupang-palad nang malapitan si Key ay kuntento raw ang Megastar.
"Upon entering the Coliseum from backstage tonight (Nope - we didn’t see Key or NCT Dream there.).
"Thank you, fellow K-Pop fans!!! I felt like I was with friends!!!"
