PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda ribs Anne Curtis about her “taray-tarayan” moment

Anne immediately mamade es an impression on her It's Showtime comeback.
by Bernie V. Franco
Published May 30, 2022
vice ganda anne curtis
Netizens and Vice Ganda did not let the chance pass by to comment about Anne Curtis's "eye-rolling" on her comeback in the Kapamilya noontime show last Saturday, May 28, 2022.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)

Hindi nakalusot sa mapagmasid na netizens ang hitsura ni Anne Curtis sa isang segment ng It’s Showtime nung mismong araw ng pagbabalik niya sa Kapamilya noontime show noong Sabado, May 28, 2022.

Aminado si Anne na nangangapa pa siya dahil tumigil siya sa paghu-host ng dalawang taon.

Sa isang punto ng segment na "Showtime Sexy Babe," nakunan si Anne na hindi nakangiti at tumaas ang kilay.

Mabilis napakalat ng netizens ang short video clip na ito. Ito raw ang bagong meme ni Anne.

Caption dito: “A NEW ANNE CURTIS MEME WAS BORN”

Libu-libo ang likes at tweets ng clip na ito ni Anne na umiirap.

Maging ang co-host niyang si Vice Ganda ay hindi ito pinalampas.

Ni-retweet ni Vice ang video ni Anne nitong Linggo, May 29, 2022.

Tweet ng comedian-TV host: “Inaano ka ba nung contestant @annecurtissmith ???”

vice ganda

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-react din dito si Anne. Mukhang nakaramdam ng hiya ang actress-host.

Ni-retweet ni Anne ang clip nitong Linggo at tanging caption niya: “Hahahahahaha”

May kasama itong "grinning face with sweat emoji," na nangangahulugan ng embarrassment.

anne curtis

VICE POKES FUN AT ANNE’S NEW MEME

Pero hindi roon nagtapos ang pambubuska ni Vice kay Anne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong Lunes, May 30, nagpatawa si Vice tungkol sa bagong kumakalat na meme ng co-host at kaibigan.

Sa intro ng "Showtime Sexy Babe" segment, nagbiro sina Vhong Navarro at Ogie Alcasid sa hindi ngumiting pagsasalita ni Vice.

Dito na ipinasok ni Vice na ginagaya niya ang akto ni Anne nung Sabado, gaya ng mabagal at mababang boses nito.

"'Tapos iniirapan niya lang yung contestant,” sundot ni Vice at nagmuwestra siya ng irap.

“Pero ang ganda,” sabay bawi ni Vice.

Sundot ni Vice, tuwang-tuwa ang netizens sa video na iyon ni Anne.

Biro niya, may “discrimination” sa social media.

Aniya, “Kung ako ang gumawa nun, binash na ako. Yung seryoso, hindi joke, ha.

“Pero si Anne Curtis ang ganda ng caption, ‘A new meme was born.’”

anne curtis vice ganda

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nang interbyuhin ang first contestant, muling ginaya ni Vice si Anne.

Umasta si Vice na tinitingnan niya nang masama ang contestant.

“Anne Curtis na Anne Curtis,” ani Vice.

"'Yan, taray-tarayan lang,” sabi naman ni Ogie.

Tawang-tawa naman si Vhong sa pagsasabing hindi niya napansin si Anne sa ginawa nitong pag-irap.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens and Vice Ganda did not let the chance pass by to comment about Anne Curtis's "eye-rolling" on her comeback in the Kapamilya noontime show last Saturday, May 28, 2022.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results