Kylie Verzosa finally opens up about breakup with Jake Cuenca: "Akala ko siya na."

by Arniel C. Serato
May 31, 2022
Kylie Verzosa shares story about breakup with Jake Cuenca
Miss International 2016 Kylie Verzosa on ex-boyfriend Jake Cuenca: "Para sa akin hindi kasi siya sayang. Natulungan namin ang isa’t isa, nagtulungan kami sa isa’t isa. So, para sa akin hindi yun sayang, nag-grow kami together as individuals."
PHOTO/S: Courtesy: @juancarloscuenca on Instagram

Sa wakas ay nagsalita na si Kylie Verzosa, 30, ukol sa hiwalayan nila ni Jake Cuenca, 34.

READ: Jake Cuenca confirms breakup with Kylie Verzosa

Sa vlog ng It’s Showtime host na si Vice Ganda na inilabas kagabi, May 30, 2022, nagbigay ng ilang detalye si Kylie sa breakup nila ng boyfriend matapos ang halos tatlong taong relasyon.

Hindi raw inaasahan ni Kylie na mauuwi sila sa hiwalayan dahil labis-labis ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Nakita ba niyang hahantong sila sa paghihiwalay ng landas?

Sagot ng Miss International 2016, “Akala ko siya na. Alam mo yung ganun? Hindi masyado.

“Akala ko hindi na ako magkakaroon ng heartbreak, akala ko siya na, pero… tsaka nagmahalan kami, we loved each other.

“Sobrang happy kami sa relationship, and sobrang grateful ako sa relationship. Hindi ako in shock, pina-process ko pa talaga lahat, process siya.”

Mutual daw ang hiwalayan dahil pinag-usapan nila ni Jake ang lahat bago lisanin ni Kylie ang condominium unit ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa raw nagsi-sink in kay Kylie na break na sila ni Jake hanggang sa dumating ang eksena sa It’s Showtime sa segment na “Showtime Sexy Babe” noong April 19.

Isa si Kylie sa hurado ng nasabing segment.

Sa naturang bahagi ng noontime show, bigla na lamang siyang naluha dahil sa kuwento ng isang contestant kung paanong ang minsang maliliit na bagay ay pinag-aawayan na nila ng nobyo.

Ayon sa host na si Vice, minsan talaga sa mga relasyon ay magkakaroon ng mga away na kahit mga maliliit lang na argumento, hudyat na pala ito upang maghiwalay.

Ani Vice, “Minsan kasi confusing 'yan, na ito ba ay isang pagsubok lang ulit? Na bukas lalampasan namin ‘to o sign na ito na dapat tapusin na?

“Kasi hindi ka naman laging nakikipaghiwalay, para sa akin lang naman, hindi mo naman laging tinatapos ang relasyon dahil… hindi naman laging natatapos ang relasyon, dahil naubos na ang pagmamahal mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May mga pagkakataon na kahit meron ka pang pagmamahal, kailangan mo nang tapusin ang relasyon na ito.”

Dagdag pa ni Vice, may mga pagkakataon na yung parehong pinag-awayan ng magkarelasyon noon ay iba na ang dating sa kanila kung pag-aawayan din nila ito ngayon.

Ayon pa kay Vice, ito kaya ay bagong pagsubok o senyales na kailangan na nilang tapusin ang kanilang samahan.

Hirit pa niya, “Uy, si Kylie nag-iisip. May pinagdadaanan ka bang challenge o may nakikita kang sign?”

Doon na napaluha at humagulhol si Kylie.

Paliwanag ni Kylie kay Vice tungkol dito, “Parang nagulat kasi ako nung sinabi mo yung line na yun, kung challenge nga lang ba yun o sign, swak na swak kasi yun sa pinagdadaanan ko noon.

“Wala ako kausap, wala akong pinagsasabihan.”

READ: Kylie Verzosa gets emotional about relationship question amid rumored breakup with Jake Cuenca

MY CHOICE

Dagdag pa ni Kylie, mas pinili niyang sarilinin muna ang personal na pinagdaanan sa love life noong mga panahong iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Choice ko siya at that moment na hanggang dito na lang muna yung masi-share ko. So, hindi ako nag-share sa ibang tao.

"Pero mainitin ang ulo ko nun, e, as in nararamdaman ng tao na may pinagdadaanan ako, pero hindi ko siya masabi, ganun lang ako na tao.”

Hindi pa rin daw niya naproseso ang lahat kaya inuna muna niyang tuparin ang mga trabahong nakaatang sa kanya.

Saad ni Kylie, “Kasi sobrang fresh, sobrang bago, 'tsaka parang hindi ko pa talaga na-process lahat nung bagay, tapos hinayaan ko lang, in shock, ayaw ko magbitaw ng mga salita na pagsisisihan ko sa dulo.

“Kaya kapag hindi ko pa na-fully processed, hindi ko pa masasabi, hindi ko pa sasabihin.”

Dahil dito, minabuti muna niyang mag-disconnect o humiwalay minsan sa realidad ng buhay.

Saad ni Kylie, “Kailangan ko kasi i-process lahat, isipin lahat. Maano kasi ako na tao, e, ma-analytical. Bago pa magsasalita ang tao, naisip ko na kung ano ang sasabihin niya, kung ano ang sasabihin ko, ganun ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diin niya, “Breakup siya na akala ko na hindi ko na siya mararamdaman ever.”

Wala naman daw panghihinayang si Kylie dahil sa loob ng halos tatlong taong relasyon nila ni Jake, nagkatulungan naman sila upang sabay mag-grow.

Aniya, “Parang narinig ko sa ibang tao na parang sayang. Pero para sa akin, hindi kasi siya sayang, natulungan namin ang isa’t isa, nagtulungan kami sa isa’t isa.

"So, para sa akin, hindi yun sayang. Nag-grow kami together as individuals, so bakit siya sayang?”

Wala umanong galit na nararamdaman si Kylie kay Jake, maski sa kanyang sarili, dahil sa pangyayari.

Hindi rin daw niya binlock at in-unfollow ang aktor sa social media, at hindi pa rin siya nagbubura ng mga larawan nila sa Instagram.

Gagawin lamang daw niya ito kapag may bago na siyang karelasyon bilang respeto sa tao.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss International 2016 Kylie Verzosa on ex-boyfriend Jake Cuenca: "Para sa akin hindi kasi siya sayang. Natulungan namin ang isa’t isa, nagtulungan kami sa isa’t isa. So, para sa akin hindi yun sayang, nag-grow kami together as individuals."
PHOTO/S: Courtesy: @juancarloscuenca on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results