Glaiza de Castro's message to single ladies who are looking for "The One"

by Rachelle Siazon
May 31, 2022
Glaiza de Castro, David Rainey, single ladies
Glaiza de Castro on having a healthy mindset before plunging into marriage: "Kailangan talaga buuuin mo talaga sarili mo bago mo i-expect na yung isang tao ay darating sa iyo. Kasi once na you get into a relationship, hindi ibig sabihin forever happy ka na, e. May bagong challenges na darating."
PHOTO/S: @glaizaredux Instagram

Natagpuan ni Glaiza de Castro ang kanyang "The One" sa Irish husband niyang si David Rainey.

Read: Glaiza de Castro on husband David Rainey: "Finally, nandiyan na siya. Magkasama na kami forever."

Ikinasal sila noong October 2021, o dalawang taon at isang buwan mula nang sila ay maging magkasintahan.

Pero bago natagpuan ni Glaiza ang kanyang "forever," ibinahagi ng Kapuso actress na dumaan muna siya sa season of waiting bilang single woman.

Siya ay 31 years old nang maging nobyo si David.

Kuwento ng False Positive star sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Sa totoo lang, nung na-meet ko si David, binigay ko yung time na yun for myself, e. Napagod na ako kakahanap.

"Napagod na ako sa kakabigay ng energy ko sa ibang tao. So, mas prinioritize ko yung sarili ko na mag-enjoy ako, huwag ko isipin na makahanap.

"Yung mga friends ko pa naghahanap for me. Na parang, 'Huh?' Ganun pa ako. 'Huwag na, mag-enjoy na lang ako.'"

ON being ghosted

Sa loob ng panahon ng kanyang paghihintay, may mga naranasan din si Glaiza na heartache sa mga kilig o pag-ibig na naunsiyami.

Alam niya ang pakiramdam na umasa sa wala.

Pero hindi niya hinayaang malugmok sa sakit at maghabol sa taong hindi para sa kanya.

Patunay nito ang pag-alagwa ng showbiz career ni Glaiza at pagiging inspirado niya na hinangin ang kanyang galing sa pag-arte at pagkanta.

Lahad ni Glaiza: "Oo, dapat alam mo talaga worth mo. Kasi ilang beses na rin ako na-ghost, pero iiyak ko lang siya, ta's di ko na siya hahabulin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi, kung dito pa lang pinapakita mo na at pinaparamdam mo na di mo ako kaya panagutan, hindi ka consistent, hindi mo kaya panindigan yung commitment...

"Kasi, kumbaga, tapos na rin tayo sa crush-crush lang. Siyempre, once you reach a certain age, you want a long-term relationship. As much as possible, yun talaga ang gusto natin mangyari.

"Pero kung sa umpisa pa lang nararamdaman mo na di ka kaya panindigan, iiyak mo lang tapos move on ka na."

ON HEARTBREAK AS A BLESSING

Naniniwala si Glaiza na masakit man maranasan ang failed relationship o foiled romance, pero lagi itong may balik na magandang aral.

"Meron talagang mangyayaring isang bagay na di siya matutuloy dahil di siya itinadhana sa iyo. Hahaha!

"Kaya huwag ka masaktan. Huwag ka malungkot," payo ni Glaiza.

Sabay natatawang hirit niya sa PEP.ph, "Gusto mo yung naging therapy na itong interview!"

Pero seryosong patuloy ni Glaiza, "Sa totoo lang, parang everything happens for a reason talaga.

"Part ng pain yung who you are today. Kasi kailangan talaga natin masaktan."

Nabanggit din ni Glaiza na pareho sila ng kanyang matalik na kaibigang si Angelica Panganiban na na-enjoy ang kanilang singlehood.

Natutunan nila ang kahalagahan ng self-care tulad ng pagbiyahe nila sa Nepal noong 2017.

Kasabay ng lessons on love, dito raw napapagtibay ang loob ng isang tao.

"Si Angelica nga, ilang beses nang nasaktan. Nakita mo naman kung ano yung pinagdaanan niya. To the point na ako mismo, 'Grabe kang tao ka.'

"Pero nakita niyo naman kung gaano kayo pinatatatag ng panahon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kailangan mangyari yung heartache. Kailangan nakaka-meet tayo ng... ayoko sabihing wrong person, pero hindi lang talaga siya para sa iyo.

"Kasi siguro, kailangan natin ma-experience to realize mga bagay sa sarili natin na kailangang tanggapin. Hindi i-improve, e."

Diin pa ni Glaiza, "Kailangan talaga buuuin mo talaga sarili mo bago mo i-expect na yung isang tao ay darating sa iyo.

"Kasi once na you get into a relationship, hindi ibig sabihin forever happy ka na, e. May bagong challenges na darating."

Read: Glaiza de Castro, Irish husband agree not to have prenup agreement: “It’s just something na we didn’t do.”

HAVING a healthy MINDSET ABOUT ROMANTIC RELATIONSHIPS

Pinaalala rin ni Glaiza na hindi nagtatapos ang buhay sa romance.

"Katulad namin ni David, hindi ko naman masasabi na 100 percent perfect yung buhay ko dahil mayroon na akong asawa.

"Pero dahil nandiyan siya, mas nararamdaman ko lang na meron akong katulong, pero may challenges pa rin kaming pinagdadaanan bilang couple.

"Kahit ako sa sarili ko, meron pa rin. Dahil nag-a-adjust ako sa buhay na may kasama palagi. Nasanay din ako na mag-isa ako."

Bago pa pumasok sa isang relasyon, naging gabay raw ni Glaiza ang pagkakaroon niya ng pananampalataya sa Diyos.

Magugulat na lang daw siya sa kusang blessings na dumarating sa kanya.

"Ayoko magtunog preacher, pero malaking bagay talaga na humingi tayo ng guidance kay Lord, humingi ng wisdom sa Kanya.

"Kasi ang daming challenges sa buhay na di natin kaya. Pero once na iniyak mo kay Lord, humingi ka ng guidance sa kanya, talagang ibibigay naman niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi, amazing yung mga bagay na binigay niya for me, kung paano niya inayos lahat. Kaya ko nasabi kasi na-experience ko," bahagi pa ni Glaiza.

Ganoon din daw kahit pagdating sa paghahanap ng "The One."

"Naalala ko pa, nakausap ko very randomly si Ms. Miriam Quiambao. Nakakatulong na nili-list down mo yung mga qualities na gusto mo sa isang guy, tapos ipag-pray mo siya.

"Mabisa rin yung prayer. Kaya pag tinatanong sa akin, 'prayer reveal,' I think sa iyo manggagaling iyon, e.

"Walang pattern yung prayer, e. Sa iyo dapat manggaling kung ano yung gusto mong matanggap.

"Sa totoo lang, si Lord yung magbibigay nun sa iyo, e. Alam niya yung best for you, and ibibigay Niya iyon pag alam niyang ready ka na."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Glaiza de Castro on having a healthy mindset before plunging into marriage: "Kailangan talaga buuuin mo talaga sarili mo bago mo i-expect na yung isang tao ay darating sa iyo. Kasi once na you get into a relationship, hindi ibig sabihin forever happy ka na, e. May bagong challenges na darating."
PHOTO/S: @glaizaredux Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results