Going strong ang relasyon ng magkasintahang Gerald Anderson, 33, at Julia Barretto, 25.
Patunay nito ang pagiging malapit nila sa kani-kanilang pamilya.
Noong May 7, 2022, ikinatuwa ng fans ng couple nang kumalat sa social media ang litrato nina Julia at Gerald na kasama ang ina ng aktor na si Evangeline sa isang restaurant.
Hindi malinaw kung ito ang unang pagkikita sa personal nina Julia at Evangeline, o nagkataong ngayon lang may lumabas na litrato.
Pero tila maganda ang samahan ng dalawa.
Yakap pa ni Gerald ang dalawang babaeng mahalaga sa buhay niya.
Bukod pa rito ay may hiwalay na okasyon kunsaan may picture din sina Julia at Evangeline na kuha naman ng nakababatang kapatid ni Gerald na si Ken Anderson.

Ipinakita pa ni Ken na kasama nila ni Evangeline si Julia kahit tila wala noon si Gerald.

READ: Julia Barretto's first Rolex watch is from boyfriend Gerald Anderson
ON GERALD AND JULIA BEING CLOSE TO EACH OTHER'S FAMILIES
Nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagkikita nina Julia at Evangeline, ibinahagi ni Gerald na maging siya ay maganda rin ang relasyon sa pamilya ni Julia.
Hindi itinatago ng couple na madalas ay kasama si Gerald sa special occasions kasama ang ina ni Julia na si Marjorie Barretto pati na mga kapatid ng aktres.
Kamakailan ay naka-bonding din ni Gerald ang lola ni Julia na si Inday Barretto.
Sabi ng Kapamilya actor, "Importante iyan na mga mahal ng mahal mo, mahal ka rin at mahal mo sila, at okay kayo lahat.
"Sa awa ng Diyos, ganun yung set-up. They're great people. Masarap kausap. Punong-puno ng wisdom and masaya kasama."
Sa isa pang tanong ng ibang reporter, ipinaliwanag ni Gerald kung bakit mahalaga na malapit sila ni Julia sa pamilya ng isa't isa.
"Mahirap iyon kapag hindi sila magkasundo. Dahil mahal mo ang pamilya mo at mahal mo rin yung girlfriend mo or partner mo.
"I think trabaho mo rin kung paano sila magkasundo, [para] masaya lahat, wala kang iniiwasan.
"If itong partner mo, maging partner mo habang buhay, kailangan kasama mo mga mahal niya sa buhay."
Nakapanayam ng PEP.ph at ibang entertainment press si Gerald sa virtual mediacon ng upcoming Kapamilya teleserye na A Family Affair, na pinagbibidahan nila nina Ivana Alawi at Sam Milby.
ON IMPORTANCE OF TRUST IN A RELATIONSHIP
Excited si Gerald na maipalabas ang A Family Affair dahil panibagong challenge daw para sa kanyang bigyang-buhay ang karakter niya sa panibagong handog ng Kapamilya Channel.
Kuwento ito ng mga magkababatang lumaki na para nang isang pamilya, hanggang sa nang tumanda sila ay dalawa sa kanila, sina Cherry Red (Ivana) at Paco (Gerald), ay umibig sa isa't isa.
Pero dadaan sa matinding pagsubok ang kanilang relasyon nang hindi na mapaglabanan ni Dave (Sam) ang lihim niyang pagtingin kay Cherry Red.
Naibahagi ni Gerald na tulad ng kanyang karakter ay matindi rin siyang magmahal.
"The same na poprotektahan natin mga mahal sa buhay.
"Poprotektahan natin at all cost pagmamahal natin sa pamilya, pagmamahal natin sa partner natin."
Mag-asawa ang roles nina Gerald at Ivana sa serye.
Tingin ba niya ay puwedeng maisalba ang marriage kung may nangyaring cheating?
Sagot ni Gerald, "That's hard kasi nasira na yung trust, e. Kumbaga, may lamat na iyon, e.
"Ang pinakaimportante is stay together, kaya naman, pero hindi siya madali.
"You have to earn the trust again. Hindi lang zero, negative pa iyan, di ba? Kailangan mo patunayan ulit ang saril mo."
