“Napapansin ko lang, especially in this election, we’re so into politics." ito ang panimulang pahayag ni Direk Brillante Mendoza tungkol sa nakaraang May 2022 elections.
Sabi niya, "Parang our life is so dependent on politics and the politicians as if parang buhay natin is dependent on them."
Naniniwala ang multi-awarded director na ang ang tao rin lang ang susi sa ikauunlad ng kayang sarili.
"Kasi ako, I’m coming from the Martial law era. Parang yung Martial Law era, where I’ve seen and experienced the worst. ‘Tapos, di ba nag-EDSA ano na ako, et cetera. Kumbaga, napagdaanan ko na lahat iyan.
“Somehow these politicians and the kind of government that we have, in whatever way, parang I can honestly say, hindi naman talaga niya nabago ang buhay ko.
“Ang nagbago ng buhay ko ay ako."
Para sa kanyang mga international accolades—gaya ng Best Director mula sa 2009 Cannes Film Festival para sa 2009 film na Kinatay at sa Kim Jiseok Award mula sa 26th Busan International Film Festival para sa 2021 film na Gensan Punch—aminado si Direk Brillante sa hirap na pinagdaanan niya sa tuwing may mga festival siyang sinasalihan abroad.
At suma tutal, wala sa prayoridad ng gobyerno ang pag-angat ng industriya ng filmmaking.
Aniya, "And in terms of support, from the time na naging director ako until now, when I’m being invited in Malacanang and all these political gatherings, I don’t get any ano, parang support or anything.
“Parang ano lang ako, a guest needed when I get a recognition. I’m being praised, alam mo yun? Everybody says, ‘O, congratulations. You’re doing this for our country. Blah-blah-blah-blah.’ But it’s all my doing.
"I mean, mas devastating kapag makita niyo, alam niyo ang nangyayari sa akin sa abroad. Ako, marami. Pero ayaw ko nang i-share. Kasi parang bini-blame ko ang government."
WHAT CELEBRITY POLITICANS can do for showbiz industry
Hopeful si Direk Brillante na sa pag-upo ni Robin Padila sa senado ay may maramdaman siyang pagbabago. Although mulat din siya sa posibilidad na baka maisantabi rin ang pangangailang ng mga producers na gaya niya.
“Ngayon nandidiyan na si Robin. I hope that, yung mga ganoon. Kaya, I don’t want... ayoko nang isipin.
“Kaya sinasabi ko, kung ganyan kayo karubdob sa gobyerno, sa mga politicians, and all, sana kahit papano maibabalik din naman nila sa industry na nagsuporta sa kanila at halos makipagpatayan, nagkahiwalay, nagkaaway, and all, na-divide.
“Sana man lang maramdaman, regardless kung sino ang nakaupo, maibalik naman kahit papaano.
"Ang aking ano, one of my most, sino yung nakaupo, sino yung nandidiyan sa pulitika?
“Ilan na ang mga artistang naging pulitiko. May naging Presidente [Joseph Estrada]. Muntik ng maging Presidente si Fernando Poe Jr.
“Ilan sa Senado ang nakaupo na artista? Mga congressman, mga artista iyan and all. Ano na ang nagawa nila sa industry? Ano na ang naibalik nila sa nagdala sa kanila doon?
“Ano yung nagawa nila, except for the Mowelfund thing na parang mga stuntmen ang sinusuportahan. Sila-sila lang naman iyan.
“Meron bang nagawa sa industry as a whole?"
WHY it's hard win an OSCAR AWARD for PHILIPPINE MOVIES
May maiaambag ang pelikula maging mga proyekto sa television and music sa pag-promote ng bansa, gaya na lang ng naging ambag sa ekonomiya ng South Korea ng Hallyu or Korean Wave, ang pamamayagpag ng "culture of the Republic of Korea, including K-pop music and K-dramas" sa buong mundo.
Pero malaking investment daw ito sa parte ng mga producers.
Aniya, “...magko-complain sila na parang, 'Why don’t we have a film sa Oscars?' Ganyan-ganyan-ganyan.
“Do you even know? Does the government even know kung papaano makapasok doon?
"'Tapos pipili ang Film Academy of the Philippines na parang sila yung, ‘Kami ang nakakaalam.' Pinili ka lang. 'Tapos, bahala ka na. Pumunta ka doon.
“Hindi ba nila alam kung gaano kamahal?
“Ngayon, kung halimbawa ikaw ay Star Cinema or Regal, although wala pa namang napipili. Star Cinema ka kunwari. Pinadala ka doon, Piolo Pascual and all sa Oscars.
“'Tapos na ang pelikula. Naipalabas na. Kung ako ang Star Cinema, gagastos ba ako ng PHP10M para lang i-promote ko ang pelikula ko doon? Hindi ko naman alam kung makukuha or hindi? Kung ako ang producer, magtatapon ba ako ng PHP10 million?
“'Tapos kung ako producer, sasabihin ko ba na parang, ‘I’m doing this for my country?’
“Of course not. Ayun lang ang take ko. Yung parang as simple as that.
“I mean, there’s so many complicated things na hindi natin alam, di ba, na as an industry, sometimes, we get too engrossed with politics, when in fact na ang feeling ko dapat, tayo as an industry, na parang we should be working together to uplift.
"I mean, there’s so many things that we can do, di ba?”
Binigay na illustration ni Direk Brillante ang mga kaibigang movie press simula pa noong dekada 80 at 90.
“'Tapos bigla kong naisip, 'Oh, my God.’ Hindi naman sa pag-aano, nandidito pa rin tayo [sa industry] at anong nagawa [sa showbiz press]?
“Imagine that. And I’m just talking about this sector of the industry. I’m not even talking about the whole industry.
“Maliit na sector pa lang ng industry ang mga showbiz writer at nandito pa rin tayo. E, ang mga ano natin, mga superstar natin nandidiyan na sa kongreso pati sa Senate."
Pero hindi naman dahilan ito para mawalan ng ganang mag-produce si Direk Brillante, na siyang producer ng Pusoy, kung saan tampok sina Angeli Khang, Vince Rillon, Janelle Tee, at Jela Cuenca, at Baron Geisler.
“Dito nga may nagsasabi sa akin, ‘Bakit ka gumagawa ng Vivamax?’ ‘Bakit ka gumagawa sa VIVA?’
“Ang sagot ko, ‘Bakit hindi?’ Hindi naman basura ang ginagawa ko. Parang ako yung unang-unang magsasabi na parang magi-guilty na parang pera lang ang ano ko, pagod.
"Kaya nga I can proudly say na parang these are the films that we are making with the budget that we have, I can create films like Pusoy, ‘di ba,” pagtatapos ni Direk Brillante.
