Ibang-iba raw ang experience ng model and aspiring beauty queen na si Gabrielle "Gabby" Basiano sa muling pagsali nito sa Binibining Pilipinas 2022.
Ito ang ikalawang beses na sumali si Gabby sa nasabing pageant.
Nitong nakaraang Biyernes, May 27, 2022, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby sa Ever Bilena headquarters sa Caloocan City.
Dito ay nagkuwento ang dalaga tungkol sa kanyang Binibining Pilipinas 2022 journey.
Aniya, "So far, fun and masasabi ko din talaga na yung experience ko from last year is very memorable and very different din yung experience ko from this year sa last year."
Aminado si Gabby na ramdam nito ang pressure mula sa pageant fans.
Isa siya sa maituturing na frontrunners ng Binibining Pilipinas 2022 pageant dahil na rin sa pagkapanalo nito bilang first runner-up sa 2021 edition ng pageant.
Pero ginagamit ni Gabby ang nararamdamang pressure bilang motivation upang manalo ng isa sa mga korona sa Binibining Pilipinas 2022.
Pahayag ng 23-year-old model, "There will always be pressure, but it’s a good pressure naman kasi I’m using it as a motivation.
"And parang dun sa pressure na nararamdaman ko, mas nai-inspire ako mag-training, mas lalo pang maging hands-on sa pageant ko this year."
Kung meron man siyang nakikitang magiging kalaban, ito ay walang iba kundi ang kanyang sarili.
Ani Gabby, "Masasabi ko talagang this year is a strong batch. Halos lahat nagkaroon ng title, lahat sumasali na talaga ng pageants. Veterans na kung tatawagin.
"Even if returnees na kami kung tatawagin, hindi namin masasabi na, ‘Ay, pasok na kami!’ Walang ganung feeling.
"So ayun, mas nakikita kong competition yung ako before than yung sa ibang tao.
"Kasi mas nape-pressure akong iniisip ko, ‘Ano kayang mas mai-o-offer kong new kesa sa in-offer ko last year?’"
Read also: Herlene Nicole Budol, Diana Mackey win special awards at Binibining Pilipinas 2022
GABBY BASIANO'S PREPARATIONS FOR BINIBINING PILIPINAS 2022
Gaya noong nakaraang taon, maiging paghahandang ginagawa ni Gabby.
Aniya, "Actually, lahat—from physical, mental, technical, lahat iyan dinadaanan namin.
"Pero yung pinaka-una talaga naming tine-train is kung paano ka mag-isip, the way you think."
"Especially that this year, this is my second time, feeling ko, it’s a mental game.
"Kasi siyempre, you can’t stop thinking about the things around you knowing na there are new candidates.
"Pero siyempre, we should keep a postive mind lang."
Pinaghahandaan din ni Gabby ang pasabog nito sa evening gown competition ng nasabing pageant.
Last year, si Gabby ang nakapag-uwi ng award para sa Best in Evening Gown sa suot nitong "Perla" dress na idinisenyo nina Ken Batino and Jevin Salaysay.
"Well, pinag-isipan talaga namin nang maayos kasi, gaya nga ng sabi niyo, last year, nagbigay na kami ng pinaka-best na mai-o-offer namin.
"So nahihirapan na kami mag-isip kung ano yung kasunod. Pero ang masasabi ko lang na there’s something lang din na kakaiba.
"Just like last year, may kakaiba. This year, meron ding kakaiba."
Samantala, nagpasalamat naman si Gabby sa suporta ng Binibining Pilipinas 2021 queens, kabilang sina Binibining Pilipinas International 2021 Hannah Arnold, Binibining Pilipinas Grand International 2021 Samantha Alexandra Panlilio, Miss Intercontinental 2021 Cinderella Faye Obeñita, Miss Globe 2021 Maureen Ann Montagne, and 2nd Runner-Up Meiji Cruz.
Aniya, "Actually, sila yung isa sa mga taong nag-support sa akin sa pag-join ko this time around.
"Kasi every activity, nagkakasama kami nung time nung reign namin. And palagi nila akong tinatanong na, ‘Are you going to join this year?’
"Sinasabi ko lang na, ‘Let’s see…’ Kasi hindi naman natin alam yung mangyayari in the future.
"Sila talaga yung nagsabi sa akin na, ‘No Gab, you do it this year! You’re gonna get it!’
"Sila talaga yung nagmo-motivate sa akin kahit meron akong doubts minsan.
"Sila yung nagsasabi sa akin, ‘Makukuha mo iyan, you can do it!’"
READ MORE:
