Watch Now

Beauty Gonzalez reveals agreement with husband Norman Crisologo about her showbiz career

by Rose Garcia
Jun 3, 2022
Beauty Gonzalez
Kapuso actress Beauty Gonzalez on her promise to husband Norman Crisologo and their daughter Olivia: "Ang gusto niya kasi, I’m gonna work as much as I want. And I promised na in six years, I’m gonna stop. I wanna make the most of it now."
PHOTO/S: Charisma Lico / @beauty_gonzalez Instagram

Nagdiwang ang Kapuso actress na si Beauty Gonzalez ng kanyang aaaaika-31 kaarawan sa lock-in taping ng The Fake Life, ang bago niyang teleserye sa GMA Afternoon Prime na eere simula sa Lunes, June 6, 2022.

READ: How Beauty Gonzalez moved on from "chubby PBB image"

Sa magagandang nangyayari sa buhay niya, lalo na sa kanyang career, wala na raw mahihiling pa si Beauty.

Aniya, "Ang wish ko, sana marami pa akong taong mapapasaya. More than wishes, more on pasasalamat.

"Kasi sa totoo lang, I’m very happy. Parang wala na akong hahanapin pa. Honestly, I’m very happy with my family. They’re very supportive of my career.

"Thank you ako sa husband ko for always supporting me.

"Thank you ako sa GMA kasi tuluy-tuloy ang mga proyekto na ibinibigay nila sa akin, sa tiwala na ibinibigay nila sa akin.

"Just thank you… wala na akong maiwi-wish. Siguro world peace."

Si Beauty ay 26 taong gulang lang nang magpakasal sila ng mister na si Norman Crisologo, na 23 taon ang tanda sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi iyon naging balakid sa magandang pagsasama ng couple sa nakalipas na limang taon ng kanilang marriage.

Reaksiyon ni Beauty, "Salamat po… pinag-usapan talaga namin ito ng asawa ko. Sabi niya sa akin, i-fulfill ko ang mga dreams ko.

"And he knows that I want to break this wall na… sometimes kasi, sa business natin, kapag may asawa ka na, kapag may anak ka na, hanggang doon na lang yung role na napo-portray mo sa TV.

"Yun ang gusto kong i-break. Kasi, bakit sa ibang bansa ang mga artista, kahit na anong role, mapa-bata o matanda man ang partner. Like, Wonder Woman, si Gal Gadot, di ba?

"So I wanted to prove na kaya kong iba-iba.

"And I’m thankful to GMA for giving me this opportunity na iba-ibang istorya ang naibibigay nila sa akin.

"And most especially, sa asawa ko talaga. Hindi ko magagawa itong lahat kung wala ang suporta niya sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BEAUTY ON EARLY RETIREMENT PLAN

Ayon kay Beauty, nagpupursige siya sa kanyang showbiz career dahil may iniisip siyang timeline kung kailan niya nais magpokus na lang sa pamilya.

"Ang gusto niya [Norman] kasi, I’m gonna work as much as I want. And I promised na in six years, I’m gonna stop. I wanna make the most of it now."

Plano niyang mag-retire sa showbiz after six years?

"Hmmm… parang ganun," nakangiting sagot niya.

Paliwanag ni Beauty: "Kasi nag-promise ako. Gusto ko yung daughter ko, she’s turning six years old now...

"I was back to work seven months pa lang siya, bumalik na ako sa TV, and yun ang Pusong Ligaw sa ABS-CBN before and it’s showing now in Netflix. Yun ang pagbabalik ko.

"And hindi na ko natigil, tuluy-tuloy na yung mga projects ko. Nakita naman ng asawa ko na I enjoy this and I’m a happy wife and [I have] a happy life, so support siya sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It’s easy for me and everything is easier for me."

Bilang ina, nais din daw tutukan ni Beauty ang paglaki ng anak.

"I promised my daughter na kapag teenager na siya, I’ll really be back home.

"I'll really be there, support her every aspect kapag nagdadalaga na siya.

"Kasi, galing ako dun and gusto ko, nandun ako. And this time, gusto ko, sila ng daddy niya ang bonding."

Nakakabawi naman daw si Beauty ng oras at atensiyon sa kanyang mag-ama sa out-of-town at out-of-the-country trips nila.

Sabi niya, "Bumabawi na lang ako kapag nagbabakasyon kami abroad. Wala akong yaya nun, kami lang. Excited ako nun.

"Every other show, magbabakasyon kami kahit saan dito sa Pilipinas. So, dun ako bumabawi. Kaya ngayon, ginagalingan ko talaga.

"I want the last few years of my acting career to be the best. And I want my daughter to be proud of me and my husband."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BLESSED WITH MORE PROJECTS

Sa The Fake Life, makikitang naging maganda ang relasyon ng bawat cast habang naka-lock-in taping sila.

Magaganda rin ang mga salitang binitiwan ng beteranang aktres na si Tetchie Agbayani tungkol kay Beauty.

Kaya naitanong namin kay Beauty kung may ideya ba siya kung sino si Tetchie bago pa man sila magkasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Of course," mabilis na sagot niya.

"Of course, I have an idea on who Miss Tetchie is, she’s very famous. Crush siya ng bayan!" natawang sabi niya.

"Ako ang unang lumapit sa kanya. I introduced myself.

"And first day pa lang, ang gaan na, ang dami na naming napag-usapan. Parang ang gaan na namin sa isa’t isa.

"So, I’m so happy and lucky. Malayo ako sa pamilya ko ngayon and to find someone na makaka-relate kayong dalawa, it’s a blessing."

Bago na rin ng management ni Beauty. Kamakailan lang nang ianunsiyo na nasa ilalim na siya ng pangangalaga ni Becky Aguila.

Ang dating manager niya ay si Arnold Vegafria.

Ayon kay Beauty, wala siyang pinagdaanang adjustment sa bago niyang manager.

"Okay naman, I’m very happy with Mama Beck. Mama Becky Aguila," sambit niya.

"Noong una ko pa lang siyang makausap, I feel na magkasundo talaga kami. I feel safe. Mabilis lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I always follow my feelings. Ganun akong mag-isip, e, ganun akong mag-decide sa lahat ng mga nangyayari sa buhay ko. Even before pa na may mga pangyayari.

"Happy ako," paniniguro ni Beauty.

Dagdag niya, "I’m very happy with Mama Becky and parang wala namang adjustment. Parang tuluy-tuloy ang work.

"And sa kanya, nagkaroon ako ng movie and then, meron akong mga bagong endorsements. So, I’m very happy."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Beauty Gonzalez on her promise to husband Norman Crisologo and their daughter Olivia: "Ang gusto niya kasi, I’m gonna work as much as I want. And I promised na in six years, I’m gonna stop. I wanna make the most of it now."
PHOTO/S: Charisma Lico / @beauty_gonzalez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results