Para kay Bea Alonzo, mas mabuting wakasan na ang relasyon kapag may na-fall out of love sa isang magkarelasyon.
Mas mabuti na raw ito kesa umabot pa sa pagtataksil sa ka-partner.
Payo rin ng aktres, umamin sa karelasyon kung wala nang nararamdaman para rito.
“You have to be fair not only to your partner, but to yourself as well,” katuwiran ni Bea nang sagutin niya ang relationship questions ng netizens sa kanyang YouTube video nitong May 28, 2022.
“Kung hindi ka na in love, I guess you have to be transparent, and tell your partner.
“Dapat ibigay mo yung respeto na nararapat doon sa kasama mo sa relasyon.
“Tell him or her to already end the relationship, kasi alam mo kung bakit?
“Ang nangyayari, kapag ang isang tao wala nang feelings toward the other person in a relationship, doon puwede may pumasok na iba, and therefore, you will cheat pa.”
Kaya raw importante na maging totoo sa karelasyon.
Pagpapatuloy ni Bea, hindi lang dapat sa simula minamahal ang ka-partner mo. Nagiging choice lang daw ang pag-ibig kapag humupa na ang “kilig” at “honeymoon stage.”
Sundot niya, “You choose to fall in love with that person over and over again, kahit nakikita mo na yung differences niyo, yung mga flaws niya.
“Kung sa tingin niyo it’s time to end the relationship because it’s not working anymore, it’s not bringing out the best in you...
"Maybe you should sit down and talk to your partner about it, instead of fooling around and cheating.
“That would be ugly.”
BEA SAYS FLIRTING IS CHEATING
Binasa rin ni Bea ang tanong ng isang netizen kung ayos lang na nakikipag-flirt ang boyfriend nito sa mga kaibigang babae.
“Siyempre hindi,” mabilis na sagot ni Bea.
“For me, flirting is already cheating. Yun 'yon, kasi ano yun, e, window to cheat.
“Kasi kapag ka nagpi-flirt, tapos may bumigay, e, di affair na iyon.”
Ang payo ni Bea sa female netizen, ipaalam ito sa karelasyon para hindi na maging isyu sa kanilang pagsasama.
“I think you should stand your ground and tell your boyfriend this is not okay.
“Let the person know you have these boundaries that they cannot cross, otherwise you will end the relationship,” sabi ng Kapuso actress.
