Krista Miller on life after imprisonment: "Ginawa ko ang lahat para maging maayos ang buhay ko."

by Melba R. Llanera
Jun 7, 2022
Krista Miller
Sexy star Krista Miller opens up about how she picked up the pieces of her life four years after she got out of prison.
PHOTO/S: Krista Miller Facebook

Sa dami ng kontrobersiya at pagsubok na dinaanan ni Krista Miller, marami ring aral ang natutunan siya sa buhay dahil sa mga ito.

READ: Krista Miller relates how prison made her a better person

Nakulong siya noong September 2016 matapos mahuli sa buy-bust operation para sa illegal drug trading. Pero pagkalipas ng isang taon at walang buwan, napawalang-sala at pinalaya siya.

Para kay Krista, natuto siyang maging maingat at maging mapili sa mga taong pinagkakatiwalaan dahil sa kalbaryong iyon.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang sexy actress sa grand launch ng AQ Prime Stream and Director's Cut, na ginanap sa Condrad Manila Hotel, sa Pasay City, noong June 4, 2022.

"Ngayon, ina-apply ko sa buhay ko na okay na yung kaunti lang ang friends ko. At least, alam mo na totoo yung intentions sa iyo.

"Before kasi masyado akong open. Parang open ako sa lahat, e. Madaling napasok ng mga tao.

Continue reading below ↓

"Sa ngayon talaga pini-filter ko na, especially ngayon may kids na ako, dalawa. Single mom ako so talagang maingat na ako ngayon.

"Masyado kasi ako nung napagsamantalahan, nagtiwala, ganyan.

"Hindi ko naman bine-blame lahat ng mga tao sa paligid ko, pero ang importante natuto ako sa lahat ng mga nangyari sa akin lahat."

Ayon kay Krista, masakit din sa kanya ang mawalay sa anak niya na anim na buwan lang nang siya ay maaresto at makulong noong 2016.

"Sobrang hirap kasi di lang ako, may kids na ako. That time, ang anak ko nasa parents ko.

"Buntis din ako during that time so ang hirap talaga."

Kaya nangako siya sa sarili na tutuwirin niya ang magulong buhay mula nang makalabas siya sa kulungan.

"After nang nangyari sa akin, ginawa ko ang lahat para maging maayos ang buhay ko.

"Umiwas na ako... Family na lang. May friends ako pero piling-pili na talaga silang lahat," ulit ni Krista.

Continue reading below ↓

FINISHING HER COLLEGE STUDIES

Nagpursige rin siyang tapusin ang pag-aaral niya sa kolehiyo.

Lahad pa niya sa PEP.ph: "After ng mga struggles ko, what I did was nag-aral talaga ako. Tapos na yung pag-aaral ko. Communication Arts sa FEU.

"During nag-aaral ako, nagtatrabaho akong call center, nag-o-online teacher, kasi nga di ko mapagsabay ang showbiz ko at ang pag-aaral ko.

"Ang ginawa ko muna nagtrabaho muna ako ng mga part-time para at least mayroon akong panggastos. Mayroon akong pang-tuition."

Itinaguyod din daw ni Krista nang mag-isa ang dalawa niyang anak.

"Oo, pero tinulungan ako ng mga parents ko sa pag-aalaga," aniya.

Hindi siya humingi ng tulong sa mga ama ng kanyang mga anak?

"Walang contact, e. Di na rin ako nakipag-communicate sa kanila talaga. As in in-erase ko silang lahat sa buhay ko."

ON CESAR MONTANO

Isa pang kontrobersiya na kinasangkutan ni Krista ay ang pagkaugnay niya kay Cesar Montano noong 2013.

Continue reading below ↓

READ: Krista Miller denies affair with Cesar Montano: "Walang katotohanan ang lahat."

Siya ang nadiin na diumano'y isa sa malalim na rason sa paghihiwalay ni Cesar at misis na si Sunshine Cruz noon.

Umiwas na si Krista na pag-usapan ang tungkol dito, pero tinanong ng awtor na ito kung bukas ba siyang makatrabaho ang aktor sakaling may offer na magkasama sila sa isang proyekto.

Si Krista ay kasama sa pelikulang Alfredo Lim: The Untold Story (2013), kunsaan direktor at co-star niya si Cesar.

Sagot niya, "Naging parte naman talaga siya kasi naging direktor ko siya.

"Actually, lahat ng mga issues sa akin, naging issues sa akin before actually ayoko na talagang pinag-uusapan. Yung mga ganung bagay, tapos na yun.

"Work together? Okay lang, let's be professional. May kani-kaniya na rin namang buhay ang lahat."

Sa ngayon ay may mga nanliligaw kay Krista, pero nagdesisyon siyang huwag i-prioritize ang pakikipagrelasyon.

"Focus muna ako sa work. May mga nagpapahiwatig, may mga nagpaparamdam, pero career goals muna tayo.

Continue reading below ↓

"Pag nagmahal kasi ako, sobrang love talaga. Pero mas okay na yung carer muna."

KRISTA MILLER'S daring films

Masaya si Krista sa pangalawang pagkakataon na binigay sa kanya para makabalik sa showbiz.

Tatlong pelikula nga ng AQ Prime ang kasama si Krista.

"Sobrang masaya ako. Nagawa ko na is Bingwit and Upuan. And then itong Amazona, iyu-shoot namin by end of June. May mga nakapila pang mga films," masayang pagbabalita niya.

Panay sexy films ang mga proyekto ni Krista sa AQ Prime, at nae-enjoy niya raw ito.

"Actually, dati pa akong nagse-sexy pero di masyadong daring.

"Dati pa-sexy lang ako, pero ngayon all-out talaga, nagpakita na ako ng frontal.

"Natuwa naman ako sa sarili ko, sabi ko sa sarili ko, 'Kaya ko pa, kaya ko pa pala.'"

Gusto rin ng sexy star na masubukan uli ang paggawa ng serye lalo't matagal nang panahon nang huli siyang mapanood sa telebisyon.

"Gustung-gusto ko, gusto kong magkaserye talaga. Isa iyan sa mga dream ko—ang magkaserye talaga.

Continue reading below ↓

"Although nagkaroon na ako before. Yung kila Toni Gonzaga and Luis Manzano dati [Crazy For You series], di pa ako Krista Miller nun.

"Mayroon din ako naging serye sa GMA, yung Rhodora X [ni Jennylyn Mercado]. Kontrabida ako nun."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sexy star Krista Miller opens up about how she picked up the pieces of her life four years after she got out of prison.
PHOTO/S: Krista Miller Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results