Watch Now

Herlene Budol mourns death of grandmother

by Bernie V. Franco
Jun 6, 2022
Herlene Budol
Herlene Budol takes to Instagram about the passing of her grandmother this Monday morning, June 6, 2022. (Right photo, L-R) Herlene with her father, grandmother Bering, and grandfather Oreng.
PHOTO/S: @herlene_budol on Instagram / YouTube (Karen Davila)

Madamdamin ang Instagram post ni Herlene “Hipon” Budol tungkol sa pagpanaw ng kanyang lola nitong umaga ng Lunes, June 6, 2022.

Kidney failure at iba pang kumplikasyon dulot ng pagkatanda ang dahilan ng pagkamatay ng Lola Bireng ng Kapuso TV personality.

Ayon kay Herlene, isang buwan nang nakaospital ang kanyang lola dahil sa karamdaman.

Mensahe ni Herlene (published as is), “Nanay Bireng ko [crying emojis] ito ay isang post na mahirap para sa akin na isulat...nawala na ang aking pinakamamahal na lola ngayon lang umaga 9am 6-6-22 at mamimiss kta ng sobra [crying emojis].”

Tinawag niyang “isang special na babae” ang kanyang lola.

“Sa naka lipas ng isang buwan, matapang siyang lumaban sa kidney failure at sakit due to ageing ay marami narin komplikasyon tulad ng High blood, diabetic at pneumonia at ang pinaka masakit ang makita siyang nag durusa sa mga huling oras na iyon ay napaka hirap.”

Dinaramdam din ni Herlene na hindi na siya mapapanood ng kanyang lola sa coronation night ng Binibining Pilipinas 2022, kung saan isa siya sa official candidates.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Linggo, June 5, humingi pa ng dasal para sa kanyang lola.

Nabanggit ni Herlene na ang kanyang pagsusumikap ay para sa kanyang lolo at lola na tumayong mga magulang niya.

Bagamat alam niyang matanda na ang kanyang lola at malubha ang lagay nito, ipinagdarasal pa rin niyang gumaling ito.

Post ni Herlene (published as is), "Pilit kong e ahon ang buhay ko para din po sa kanila.

"Gusto ko rin makabawi at mabigyan at maranasan nila ang magandang buhay dahil sila ni lolo kung tawagin ko Tatay Oreng ang nag aruga sa akin ng dalawampu't dalawa taon sa mundo."

Vocal si Herlene sa pagsasabing siya ay pinalaki at inaruga ng kanyang Lola Bireng at Lolo Oreng.

Kaya naman parte ng kanyang pagsisikap ay para mabigyan sila ng magandang buhay.

“Yung lolo’t lola ko talaga yung nagsilbing magulang ko,” ani Herlene sa YouTube video ni Karen Davila noong April 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Herlene Budol receives PHP100K from Karen Davila: "3 mons ako bawal magtanggap ng trabaho"

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene Budol takes to Instagram about the passing of her grandmother this Monday morning, June 6, 2022. (Right photo, L-R) Herlene with her father, grandmother Bering, and grandfather Oreng.
PHOTO/S: @herlene_budol on Instagram / YouTube (Karen Davila)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results